Chapter 2: Really like

6.1K 155 2
                                    

Glisten's POV

Its been two weeks since nagsimula ang klase. Maganda naman ang naging araw ko nung mga nakaraang araw except sa fact na di pa rin ako pinapansin ni janine. Hays. What's new anyway?

Naging masaya na rin ako dahil sa wakas nakarating na rin ang bestfriend kong si Cyanel, we've been bestfriends since grade 3. Lumipat na siya sa canda academy dahil sa kagustuhan ko, hahaha. I missed her. And since na andito na siya, naging usap usapan na rin na girlfriend ko daw si cyanel. Were not actually minding it pero siraulo yung bestfriend ko, sinasakyan niya yung trip nung mga school mates namin.

And today, first practice namin ngayon sa softball. Im a varsity player since grade 7, and what can I say? Im really good at it. And kasama naman si cyanel sa volleyball. Its 6:30 am pa lang pero papasok na ako, gusto ko munang mag practice dahil may friendly match kami next week. Gusto kong maging handa kahit na ba friendly match lang yun, I hate losing.

As usual, naglakad lang ako. Pero dumaan na muna ako sa garden namin at pumitas doon ng rose, after minutes nakarating na rin ako sa bahay nila janine. Nag iwan ako ng note at iniwan ko na rin ang rose sa harap ng pinto nila. Mukhang tulog pa si janine, normally kasi 7 am yun gumigising kaya madalas din ang pagiging late niya.

After ko iwanan ang every morning gift ko kay janine, masayang naglakad na ako papuntang school. Dumaretso ako sa gym ng school at nagpalit agad ng softball uniform namin. Kinuha ko rin ang favorite bat ko, its a gift from janine nung nag 18 ako. Well, im still 18 pero ilang months na lang mag 19 na ako.

Pumunta ako sa field and naglaro mag isa. Im a batter by the way. Makalipas ang ilang minuto nag paglalaro, napansin ko na rumarami na ang tao sa paligid. Kaya nag ayos na rin para di ako mahuli sa klase ko. Nag punta ako sa locker room, pagkabukas ko pa lang ng locker ko, may nahulog ng bulaklak roon. And a note. When I look at it, its the rose and my note na iniwan ko kay janine kanina.

Pero sa likod ng note ko may nakasulat na iba, "HERE'S YOUR NOTE AND FLOWER, THANK YOU BUT I DONT NEED IT. STOP GIVING ME SUCH NONSENSE THINGS ON ME FIRST THING IN THE MORNING," pagkabasa ko sa note. Napabuntong hininga na lang ako.

"Hey there bestfriend! Goodmorning!" masayang sabi ni cyanel sakin. Ngumiti rin ako sa kanya, but as my bestfriend of course nasense na agad niyang may mali sa mga ngiti ko kaya inagaw niya saakin ang note na hawak ko. Bigla siyang nangunot noo nang mabasa niya ang nakasulat dun na sinulat ni janine,

"What the heck is this? How dare she! Buti nga binibigyan ka pa niya ng flowers eh, tsaka ang sweet kaya kapag sa umaga pa lang may nagbibigay na agad sayo ng flowers! Ano bang problema niya?!" sigaw ni cyanel kaya tinakpan ko agad bibig niya kaso huli na dahil narinig na ng iba kong teammates na kararating lang. Humingi naman ako agad ng pasensya sa kanila.

"Ano ba, ang ingay mo naman eh." saway ko sa kanya.

"Sorry naman, hay nako glisten kung ayaw naman kasi niya, hayaan mo na. MAsasaktan ka lang sa babae na yun, tara na nga." at kinaladkad niya na ako palabas ng locker room. Wala na ako magawa kaya nanahimik na lang ako but I keep my smile on me. Ayoko na may ibang makapansin na nasasaktan ako ngayon.

Nung papasok na kami ng room, bumungad samin si janine. Nakatingin lang siya samin ni cyanel at umirap, inirapan din naman siya agad ni cyanel. Magkakatabi kami nila chase, vyanel, ako at janine. Yeah, katabi ko pa rin si janine since dito na siya naupo nung first day kaya di na siya pinayagan na umupo pa sa ibang pwesto.

Tahimik lang ako na nakaupo sa upuan ko habang hinihintay ang teacher namin, si cyanel naman ganun din at si chase lang ang dumadaldal samin. Tahimik rin naman si janine sa tabi ko.

I just wanna be with youWhere stories live. Discover now