Chapter 10 - She's with a girlfriend?

1.9K 70 0
                                    

Chapter 10 - She's with a girlfriend?

"I've rather face the consequences of choosing you than losing you." rinig kong sabi niya habang nakatingin lang ako sa kanya "Mahal kita, Patricia. Mahal kita noon pa."

This is what I want to hear noon.. eto yung gusto kong malaman noon. This is the medicine to my brokenness pero bakit ngayong narinig ko na siya bakit ako natatakot? Bakit hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko?

"Hey, Pat?" rinig kong sabi ni Jade kaya agad akong napatingin sa kanya. "You're spacing out again, my dear friend."

Napabuntong hininga ako. "Hindi ko alam kung tama yung ginawa ko." sabi ko saka naupo sa tabi niya at kinuha ang kanina pa niyang nginangata na chi-chirya.

"Ako na mag sasabi sayo... tama ka.. tama kang mali ang ginawa mo!" sabi niya sa akin saka muling kinuha ang chi-chiryang hawak ko "You're out of your mind, Patricia." Sabi nito "Sigurado ka bang dean's lister ka dati sa school o dinaya mo lang yun?" dahil sa sinabi niya ay binatukan ko siya

"Grabe ka sa akin ah.." sabi ko

"I'm serious Patricia! I'm really having doubt with your intellectual capacity."

Mabilis ko siyang binatukan dahil sa narinig ko "Anong akala mo sa akin?!"

"Look, gusto mo yung tao at finally nalaman mong gusto ka din niya. Chance na ninyo yun oh..Pero anong ginawa mo teh? Hindi mo siya pinayagang ligawan ka! So what do you think will happen?"

"I don't need to think because it already happened." Sabi ko "Iniiwasan niya ako sa office."

"Kung ako yun, ganun din ang gagawin ko sayo o baka mas malala pa ang gawin ko sayo. Baka ipatapon pa kita sa ibang department para hindi kita makita." sabi niya habang ngumunguya nguya pa "Uso kasi ang mag move on lalo kung hindi ka naman niya hinayaang mag paligaw."

"Hindi ko kasi alam yung sasabihin ko sa kanya that moment. Pakiramdam ko tinakasan ako ng utak ko at yung puso ko hindi ko alam kung saan napunta."

"Dahil dyan sa hindi mo alam ang sasabihin mo nawala sayo yung iniyakan mo ng ilang taon." Then she chuckled

"Hay naku.." sabi ko sabay gulo ng sarili kong buhok.

"Gusto mong tulungan kitang sabunutan ang sarili mo? Kasi deserve mo na masabunutan talaga. "

Sinamaan ko naman siya ng tingin "Alam mo hindi ka nakakatulong! Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh.."

"Sa mga ganitong pag kakataon may isang tao akong alam na makakatulong sayo." sabi nito sa akin

"Sino?"

"Si Jai.." sabi nito sabay tawa kaya binatukan ko naman siya.

"Hindi ka talaga nakakatulong! Bakit ba kasi ikaw ang tinawagan ko?"

"Bakit sino pa ba sa barkada ang pwede mong tawagan? Si Des? Bibigyan ka lang ng mga makakapal na inspirational books. Kung si Kat naman, for sure aayain ka lang nung kumain at mag landi." Naka ngisi naman nitong sabi na tila sinasabi na wala na talaga akong choice "You really don't have a choice, my dear Patricia." I face palm her using my own hand just to erase the smug on her face.

"Ewan ko sayo!" then I crossed my arms saka isinandal ang likod ko sa sofa habang nag iisip kung ano ang dapat kong gawin.

I can't stand seeing Kaye laughing and smiling with other girls samantang ako ay iniiwasan niya.

"Hello mga gurlash!!" agad akong napatingin sa pinto ng marinig ko ang boses niya. "Oh.. mukhang gulat na gulat kang andito ako beshy.." sabi ni Jai habang nag lakad papunta sa akin. "Hindi ba sinabi ng gunggong na nasa kaliwa mo na dadating ako?"

Ikaw Pa Rin [GxG]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora