Chapter 27 - Pangarap kong mundo

1.4K 55 1
                                    

Chapter 27 - Pangarap kong mundo

"Are you serious, Pat?" hindi makapaniwalang tanong ni Jade sa akin pag katapos kong sabihin sa kanya yung nangyari kagabi.

"Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa agos." I told her

It's been more than a week pagkatapos ng dinner namin ni Kaye with mom. Isang linggo pag katapos ko makatanggap ng indirect threat mula sa sarili kong ina sa kung ano ang kaya niyang gawin kay Kaye sa oras na malaman niyang may relasyon kami.

Isang linggo ang lumipas and all I have in mind is how I can protect Kaye from my own mother.

"I was caught off guard, Jade."

Sa isang linggo kong pag iisip sa kung ano ang dapat kong gawin, hindi ko inaasahang mangyayari ang nangyari kagabi.

Buong akala ko ay simpleng dinner lang ang pupuntahan ko but I got surprised hindi lang isang simpleng dinner ang meron.

My mother invited people na ngayon ko lang nakita at nakilala. At yung iba, hindi ko iniexpect na kakilala niya.

Em was on the party too. And surprisingly ay kaibigan ni mom ang mom niya nung collage na parehong hindi namin alam.

But what caught me off-guard last night is when someone asked me about Kaye.

She asked me if Kaye is my girlfriend dahil madalas daw niya kaming nakikitang mag kasama.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Una dahil, nagulat ako sa tanong niya. Pangalawa, halos lahat ng taong nasa dinning table namin ay nakatingin sa akin. Pangatlo, kita ko ang kakaibang expression sa mukha ni mom.

"They are just friends." Iyon ang salitang dahilan para mapatingin ako sa direksyon ni Em. He looks at me as if telling me the he will save me. "I don't know if you know this," He looks at the people around us "Si Pat yung babaeng nababalitang dinedate ko." Then he looks at me "Pat and I are dating."

I honestly wanted to protest that moment pero hindi ko na nagawa dahil nakita kong tila naniwala ang mga tao at lalong lalo na si mom sa sinabi ni Em.

After the dinner, I immediately asked Em para mag usap kaming dalawa. I thank him for saving my ass during the dinner. Kasama din duon ay yung pag amin ko na hindi ko pa na aamin kay mom ang tungkol sa amin ni Kaye and I even told him kung anong pwedeng mangyari if even malaman nito ang totoo.

Em understood it. Kaya naman when I asked him na if pwedeng mag panggap muna kami sa harap ni mom for the mean time ay pumayag siya.

"Andun na tayo, pero paano pag nalaman ni Kaye? Sa tingin mo ba ikakatuwa niya to huh, Pat?" Mas lalong nadagdagan ang mga iniisip ko dahil sa sinabi ni Jade.

"I know this is not the best idea, Jade. Pero wala na kasi akong ibang maisip na idea kung paano ko mapagtatakpan yung relasyon namin ni Kaye." I told her

"The best idea ay ang sabihin mo kay Kaye ang totoo."

"Marami na akong kasalanan sa kanya." Sabi ko habang na aalala ko yung lungkot sa mga mata ni Kaye nung nag usap kami pag katapos ng dinner namin with mom. "Maraming mawawala sa kanya pag nalaman ni mom ang totoo."

She didn't ask, instead she said she understand where I'm coming from. That this kind of relationship is new to me at hindi madaling aminin kay mom ang totoo.

"Take your time, boo. Don't rush it. I'm okay, we are okay. Handa naman akong mag hintay kung kelan ka magiging ready." Naka ngiti siya nung sinasabi niya iyon but her eyes don't speak about happiness but sadness.

Ikaw Pa Rin [GxG]Where stories live. Discover now