LITTLE SECRET

2.7K 52 45
                                    




Lumulutang ang isip ni bella, hindi pa rin sya maka move on sa mga pangyayari.

''Miss Brave?!''

''Ha?'' sagot nya, laking gulat nya ng si Mr. Santos na pala ang nasa harap nya

''Are you listening? Parang ang layo ng tingin mo.'' Sita nito sa kanya

''Sorry sir..'' hingi nya ng paumanhin at napayuko

Nagpatuloy na sa paglibot si Mr. Santos habang nagsasalita patungkol sa kanyang leksyon

''Ano bang nangyayari sayo bella? Kanina ka pa tulala, may problema ba?'' nilapit nito ang mukha sa kanya

''ha? Ako may problema? Wala no! haha!'' napalakas ang tawa nya

''Miss Bella may nakakatawa ba sa sinabi ko?'' taking tanong ni Mr. Santos

''Wala po sir..sorry po, ah...ano po kasi...nakagat lang po ako ng lamok..'' palusot nya

''You're laughing because you got bitten by a mosquito? What? I cannot follow what you are saying.'' tanong ni Mr. Santos

''Wag nyo ng ifollow sir,hirap ipaliwanag.. pasensya na po ganito ako lumaki hahaha! Aray!'' umarte pa syang pinalo ang kamay na nakagat ng lamok kuno

Napailing na lang si Mr. Santos habang ang ibang estudyante ay natawa na lang sa asal ni bella

''Bella umayos ka nga...nakakahiya ka minsan!'' pabulong na sabi ni Deona at kinurot si bella sa tagiliran

''Aray!'' napatingin nanaman sa kanya si Mr. Santos ''Ahahahahaha kinagat naman ako oh!'' pinalo naman nya ang pisngi nya ''sorry po...'' sabay yuko

Lalapitan na sana sya ng kanilang professor ng biglang...

DING DONG (Lunchtime)

''Ok class dismissed.'' Hindi na ito tumuloy sa paglapit sa kanya at tuluyan na itong lumabas ng room nila

''Whoo! Saved by the bell!'' pinatong ni bella ang ulo sa arm rest ng upuan

''Bella umamin ka! May iniisip ka! ano yun? O kung tama na sabihin SINO YUN?'' tinapik sya ni Deona

Hindi pa rin gumalaw si Bella sa pwesto ''sino ka dyan! Nasstress lang ako sa school na to...dami daming projects etc!'' napabuntong hininga na lang sya habang nakapikit ang mga mata, nakakaramdam sya ng antok

''O sya sige kung yun ang sinasabi mo..sobrang busy sa company mo, doon na ako nakatulog kagabi. Kumusta naman ang lakad nyo ni Rico?'' tanong nito sa kanya

Napamulat sya ng mata 'syemay! Di nga pala alam ni Deona ang mga pangyayari sa akin! Hindi nya dapat malaman baka kung anong isipin nya!' di nya alam ang isasagot

''Bella? Tulog ka na ba? Tinatanong kita..'' tinapik nya si bella

''Hmmmmm...ano...ok naman....ah...maganda yung bar...madaming tao...maingay...yun lang naman..'' di pa rin sya nagaangat ng mukha

''Yun lang? Anong ginawa nyo? Anong oras ka na nakauwi?'' tanong nito

''Oo! Kumain lang! Nagtingin ng mga taong sumasayaw! Ano pa?!'' kinakabahan na si Bella sa mga tinatanong ng kaibigan

''anong oras ka umuwi?'' tanong ulit nito

''gabi na syempre!''

''Anong oras nga?''

''Mga ano na...12am na..'' napalunok sya sa sinabi 'Deona....sorry...baka kasi di mo na ako payagan umalis ng bahay eh....' Magtatanong pa sana ulit si Deona ng biglang tumunog ang cellphone nya

Love WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon