Chapter 13

66 2 0
                                    

Bianca's POV





Nagsama-sama ang lahat ng inimbitahan ni Garren para masaksihan ang proposal niya for Bes. Pati ako naeexcite. Suot ko ang biniling dress nina Kuya Carlo at Ate Jane sa akin. Isang cute na damit naman ang suot ni Baby Calvin na bigay naman ni Beshy. Mabuti na lang at sanay sa ingay ang anak ko kaya kahit na nandito kami sa bar ay tulog na tulog pa din siya.



"Lights off!"narinig kong sabi.





Tumahimik ang lahat. Bumukas ang main door ng bar. Si Bes ang pumasok. Natatawa pa ako nang magtaka ito kung bakit walang ilaw. Maya-maya pa ay tumugtog na ang music kasabay nito ang pagbukas ng spotlight kung nasaan si Garren. Hindi ko mapigilan na hindi kiligin para kay Bes. Doon na din bumukas ang ilaw. Halata sa mukha ni Bes ang pagkagulat dahil nandoon kaming lahat.




Sa akin kaya? Mayroon pa kayang lalaking gumawa ng ganyan sa akin? Sabagay, sino pa ba naman ang magpopropose sa isang katulad kong hindi na nga virgin; naanakan pa. Alam na alam ko na ang iisipin ng karamihan lalo na ng mga lalaki sa akin.



Nagpalakpakan ang lahat nang mag 'yes' si Colleen kay Garren. Mabuti pa si Bes, talagang sila na ni Garren ang nagkatuluyan.

Huli na nang mapansin kong wala si Beshy sa tabi ko. Naku, sigurado akong lovelife ang kinahaharap nun ngayon.

"Bes!"si Colleen saka ako niyakap. "Namiss kita sobra."

"Namiss din kita."nakangiti kong sabi. Naupo si Colleen sa tabi namin ni Baby Calvin.

"Ito na ba ang inaanak ko? Ang gwapo ha."puri nito saka seryosong tumingin sa akin. "Kamusta ka naman? Pasensya na kasi hindi kita nadamayan."

"Ano ka ba Bes, alam ko namang may sarili kang dapat iniintindi. Pero congrats ha."

"May balita ka pa ba kay Vincent?"tanong ni Colleen sa akin.

"Wala 'e. Saka wala na akong pakialam sa kanya. Ang mahalaga ay ang anak ko ngayon."saka ako tumingin sa anak ko.

"Mas magiging masaya ka kung buo kayo. Kilala kita Bianca."

"Itinaboy ko siya. Kahit sino siguro hindi na babalik. Kasalanan ko kaya iniwan niya ako at ang anak namin."malungkot kong sabi.


"Kung mahal ka niya, hahanapin ka niya at babalikan. Kahit anong pagtataboy mo, kahit na ikaw ang lumayo.... babalikan at babalikan ka niya." Hinagod ni Bes ang likod ko. "Tingnan mo si Garren, hinanap niya ako. Kasi mahal niya ako. Ganoon din si Vincent."

"Mahirap na umasa, Bes. Sa ngayon, ang pag-aalaga muna kay Baby Calvin ang aasikasuhin ko. Bago na ang lovelife."

"Nakuha mo pa talaga magbiro. Salamat na lang talaga dahil nandyan si Oshin."si Colleen.

"Kaya nga. Pero nahihiya na din ako sa kanya. 'Pag pwede na iwanan si Baby, magtatrabaho talaga ako."

"Myan!"si Garren.

"Oh bakit?"




"Tara kumain. Nagugutom na ako 'e."yaya ni Garren kay Bes.

"Bes, samahan ko lang si Garren ha. Alam mo na. Masyado akong namiss."maarteng sabi nito sabay kindat.



"Sige."

"Kumain ka na din."sabi nito saka ito tuluyang umalis.






Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang dalawa. Katulad nina Ate Jane at Kuya Carlo, sweet na sweet ang dalawa. Nakakainggit. Wala naman akong magagawa dahil kasalanan ko kaya ako iniwan ni Vincent. Ibinaling ko ang tingin ko kay Baby Calvin. Mahimbing ang tulog nito. Hindi mo maipagkakaila na anak nga ito ni Vincent. Mula sa mata, ilong hanggang labi ay kamukha niya ito. Totoo nga siguro ang sinabi nila. Kapag mahal na mahal mo ang asawa mo, ito ang magiging kamukha ng anak mo. Maaalala at maaalala ko si Vincent kapag tumingin ako kay Calvin.






Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Where stories live. Discover now