2

7 0 0
                                    

**VALERIA'S POV**
"TRIXIEEEE!!!!!!!!!" I shouted. Agad lumapit sa akin ang mga pinaka malapit na maids.

"Sorry madam. Pero wala po si trixie." Ani ng isa sakanila. "Asan siya?" I gently asked.

"Hindi po namin alam..." Ani ng isa uli sakanila. "Ah sige pala, sabihin mo sa akin pag nakita mo siya." Umalis agad ako sa harapan nung apat ng maids. Hinanap ko pa rin si trixie sa buong palasyo.

UGGRRHH!! ASAN BA KASI YUNG PIXIE NA YON!?

"Wow!"

"Hala! Ang galing!"

"OMG!"

"Amazing!"

Napatingin ako sa pinaka malapit na bintana. And the giew got me shocked.

The dark palace was rising... And that is not good.

Agad akong tumakbo pababa. At doon nakita ko si trixie.

"Trix!! What the effin is happening!?" I shouted at her. "Hindi ko din alam..." Natulala siya. Unti unting umangat ang dark palace.

"FUCK! Hindi mababalance ang darkness at lightness!!" Agad akong tumakbo patungo sa side ng dark palace. "No! Your majesty! Do not go!" Balak pa sana akong sundan ni trixie ngunit nag teleport na ako.

Agad akong pumasok sa balcony kung saan yun pa lang ang naangat. Agad akong bumaba sa pinaka baba and let out all my powers. Hindi maaring umangat ang dark palace.

Ang tagal ko na sa loob at hindi pa rin umuusog pababa yung palace. Parang may pumipigil sa kapangyarihan ko.

"Who ordered you to take down my palace?" Jet black hair, cold grey eyes, perfect nose, thick red lips, and sharp jaws. Tila greek god ang kaharap ko ngayon. "Ano? Tititigan mo na lang ba ako?" Maangas niyang sabi.

"You need to take this castle down." Ani ko. He smirked. "Why would I?" Ani nito at unti unting lumapit sa akin. "You're not my boss. I'm your boss, remember that." Bago pa siya tumalikod agad kong hinawakan ang braso niya.

"Hindi mo naiintindihan!" Ani ko. Humarap siya sa akin at tinaas yung kilay niya. "Hindi magiging balance ang dark and light! Ang valvern ay may iisang palasyo na lang! Mixed with light and dark! Kaya hindi mo pwedeng ibalik ang dark side!" Ani ko dito.

"As if I care?" He shook my hand off at in just a blink of an eye nakatayo na ang dark palace.

No...

"MR! WHOEVER YOU ARE! I ORDER YOU!" Lumingon ito sa akin. "Since I'm back...you can now turn the red palace white. Ikaw naman ang reyna, you have the ability to take it back." Ani nito. "The name's Rupert-- Rupert clydé Knight." Tuluyan na itong tumalikod.

Napabuntong hininga ako at lumabas ng palasyong iyon. Agad akong nag teleport sa red palace. The people asked me questions immediately pero hindi ko iyon pinansin. Nag concentrate ako sa pagbabalik ng palasyo as white. Gusto kong maging balance ang mundong ito. Walang patutunguhan kasi kung makikipag away ako sa selfish na prinsipe na nakatira behind the forest. Tsk!

"Your highness! What are you doing!?" Trixie shouted. Hindi ko siya pinansin hanggat hindi umabot sa pinakatuktok ang puti. Mas okay kaya yung puti. May good side din pala ang pag dating ng letseng lalaking yun.

I quickly changed the color of my dress. "The dark palace is back. We should welcome the new king..." Ani ko at pumasok sa loob. Lahat sila ay nakwan sa labas habang nakabukas ang bibig.

"Y-you m-mean...dumating na ang n-nakatadhana s-sayo?" Napatigil ako. Tadhana?

Napalingon ako sakanya. She was there almost smiling. "I know what you're thinking. I am not gonna marry that guy!" Bulyaw ko dito. "Anong magagawa ko kung iyon ang nakatadhana?" Tila nangaasar na sabi nito. Napakuyom ko ang kamao ko...

URRGGHH!! Dapat pala nakipag away na lang ako doon! Letse! Mas peaceful ang buhay ko as red queen! Kailangan ba dapat na parating magpapakasal ang crowned king and queen? Urgh! Nakaka-gigil!

I stomped my feet on the ground at tumalikod.

"I'LL BE ORDERING FLOWERS MY Q--!" Bago pa niya matapos ang sinasabi ay sinarado ko ang pinto ng kwarto ko ng pabalang.

Napatingin ako sa balcony ng kwarto ko. Nakita ko siya...

Unti unti akong lumabas hanggang makapunta ako sa balcony. Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa palobo kong gown. Habang siya ay may hawak na kape while his in his pants...topless--URGH!! Wag na wag ka mag iimagine ng erotic scenes sa utak mo valeria! You are supposed to hate him!

He smirked. Mas lalo tuloy nangunot ang noo ko. Nang-gi-gigil ako! Ang sarap niya sampalin! Urgh! Bakit ba kasi nagbalik ang dark palace!? Akala ko last na sa bloodline si dad!?

Natigilan ako nang kumindat ito sa akin at tuluyan ng tumalikod pabalik sa kwarto nito. Nag init ang mukha ko, habang nanlalaki ang mata. He looked....hot---URGH!! GET A GRIP VALERIA!

Gagawin mo ang lahat mapatalsik lang ang antipatikong lalaking yon! Pababagsakin mo ang dark palace! At magiging red queen ka uli!

Ang tanong, paano?

Basta!

You can't fight your feelings for him. Nakadugtong ang kapalaran mo sakanya

Napasabunot ako sa sarili ko! DAMN IT!

"NAKAKAGIGIL! SANA MAWALA KA NA SA MUNDONG TO PRINSIPE NG KADILIMAN! URGH! I HATE YOU!" Bubuksan ko na sana ang pinto ng balcony ko nang marinig ko ang sigaw niya.

"DON'T WORRY, MAMAHALIN NAMAN KITA DAHIL ALAM KONG CRUSH MO KO!"  Naramdaman ko ang mahika niya na mabilis akong tinulak papaloob.

URGH! I'M SO GONNA KILL HIM!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Red QueenWhere stories live. Discover now