Chapter 3

25K 754 25
                                    

Angela's POV

"Hoy Autumn kumusta naman?" Tanong ni Nicole sa akin habang sumasakay sa aking black buggati veyron na sobrang miss ko na!

Hay nako tuwing gabi ko lang to nagagamit pag pupunta kami kung saan man na magkikita kita ang mga parte ng Underground Society. Pag kasi sa school, Civic lang dala ko e. Dapat simple lang, boring lang dapat. Kunwari simpleng tao na walang magagawang masama.

"Sanayin mo na wag mo kong tawagin na Autumn ha." Kinalkal niya yung mga gilid gilid ng kotse ko nag hahanap nanaman ng pagkain to. Ugh, this girl really...

"Eh, ang awkward kaya nun tatawagin kitang Angel?" Tumango ako bilang sagot.

"Oo nga. Awkward." Bulong ni Shaira sa likod.

"Ih, basta yun na yung tawag ko sainyo. Normal nalang din tawag ko sa inyo. Pwera nalang sa mga gathering natin ha."

"Yes boss." Sagot nila at nag bow.

"Nga pala, kumusta na sa school." Pag babalik ni Shaira sa usapan namin. Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na hininga. Wala kasing magandang ngyari e.

"Sobrang rebelde ng mga estudyante ko. They have a problem with teachers or something, parang nasa war ako lagi pag kaharap sila." Sagot ko at inihinto na sa tapat ng isang bar ang kotse at humarap na kay Nicole.

"Oh, ngumuso ka na." Utos niya na sinunod ko naman at nilagyan na niya ako ng sobrang pulang lipstick.

"Pikit na." Sinunod kong muli at nilagyan na niya ako ng dark na eye shadow. Kanina ko pa din kasi suot ang kulay blue na contact lense. Naka all black ako na dress at puro bungo na accessories.

Si Nicole naman ganito din naka sobrang fierce na make up at si Shaira din. Pare pareho kaming nag su-suot ng kulay blue na contact lense. 'Yun kasi ang pinaka senyales namin na kami ay Royalties sa Breeze o ang pinaka mataas sa grupo. It was specialy developed by my researchers in the gang. I don't really understand how they made it but it has a special night vision thingy that helps us see a little bit better in the dark. We were preparing today dahil balak kaming kausapin ng ibang gang para siguro makipag tulungan. This happens often, when they wanted an alliance to make sure that they will be safe... from us.

Nag ayos talaga kami ng hindi normal sa everyday look namin. A way of disguising ourselves. Mukha lang kaming mga normal na fashionista pero kung gangster ka, sigurado makikilala mo kami sa mga suot namin. Gaya nga ng contact lense at sa mga kwintas namin.

Meron itong mga metal na pendant at naka ukit doon ang gangster name namin. Bawal namin tong hubarin. Ito na ang pinaka ID namin pero sa school tinatago ko sa ilalim ng damit ko.

Pinahawak nila ako ng itim na may feather pa na pamaypay para daw in case na may makita kami na kakilala makapag takip kaming agad ng mukha.

"Pag yang mga nasa loob walang kwenta yung sasabihin magkaka giyera jan. Ang kati kati pa naman ng make up kainis!" Naiirita talaga ako sa make up. Kaya nga kung kelan nandito na kami tsaka lang ako nag pa-make-up e.

"Osya arte. Pasok na tayo. Grupo daw ng Blue yon." Sabi ni Nicole

"Anong Blue? May Blue ba na gangsters?" Tanong ko kay Shaira siya kasi ang pinaka magaling magkabisa kaya sigurado alam niya.

"Oo, Blueberry." Pffft...

"Anong blueberry? HAHAHA!"

"Wag mo nga tawanan, nagagalit sila pag pinag tatawanan yung pangalan nila." Paalala sa akin ni Shaira. Eh anong magagawa ko? Ang cute ng blueberry para sa GANG!

"Eh bat kasi ganon yung pangalan nila e. " Sabi ko at nag ayos na.

"Act as a Gangster." Paalala ni Shaira kaya nag ayos ako at ginalaw ng konti yung bangs ko gamit lang ang hintuturo ko.

Gangster Teacher (COMPLETED)Where stories live. Discover now