Chapter 5

19.3K 688 17
                                    

Sir, kasi nga yung mga students ko, sila yung napag bibintangan ng dahil sa mga students niyo dito sa Assumption! Kaya sana naman makipag cooperate na po kayo.” Mula kaninang 6 nang umaga ay nakikipag usap na si Angela sa loob ng Our Lady of The Assumption University.

Paano po ba magagawa ng mga bata dito yon? Naririnig niyo po ba ang sarili ninyo? Alam niyo po ba kung anong school to? Assumption po to Ms. Lopez. If I know yang mga taga jan sa St. Peter ang may sala!

Napa sabunot sa sariling buhok si Angela sa sinabi ng punong guro sa Assumption. Hindi niya alam na habang nakikipag usap siya sa loob ay nandoon naman sa labas ang lahat ng mga guro sa Assumption dahil sa pag sugod ng mga studyante ni Angela.

Sir Ramon! Tumulong muna po kayo! Sumugod po yung mga taga Peter! Ilabas daw nating yung mga magnanakaw!” May isang teacher na napaka gulo ng buhok dahil sa siksikan sa labas.

Taga Peter? Mga...MGA BATA!” Nag tatakbo palabas si Angela at nadatnan ang mga studyante niya sa labas ng school gate at naka upo habang hinaharang yung mga inihahagis sa kanila ng mga nasa loob na taga Assumption.

Umalis na kayo! Wag na wag kayong manggugulo dito! ”Sigaw ng isang guro sa Assumption na nakiki bato pa ng kung ano ano.

MGA BATA! Ano ba! Tumayo nga kayo! Iwasan niyo yang binabato nila sa inyo!” Napa angat ng tingin ang mga bata mula sa 4-D Nang marinig nila ang kanilang guro pero hindi parin sila tumayo at umalis sa kinauupuan nila.

Hinayaan lang nila na may bumabato sa kanila.

Tama na! Ano ang karapatan niyona saktan ang mga mahal kong estudyante ha?! Ano ngayon kung elite school to? HA!? Mas mukhang may pinag aralan yung mga studyante ko na kahit isang batas walang nilabag! Ni hindi sila sapilitang pumasok! Di naman sila nang gugulo, may hinahanap lang sila. Pero anong ginawa ninyo? Nambabato kayo ng wala lang sa inyo?!” Hindi na niya napigilan ang pag lilitanya ng makita ang ibang gasgas at dugo sa mukha ng mga taga Peter.

Pinoprotektahan lang namin yung school namin mula sa mga gangster! ” Muntik nang masuntok ni Angela ang guro na nasa tabi ninya kung hindi man niya naisip na guro siya.

Ganito pala dito. Ganito pala tinuturo ninyo dito eh. Sigurado na ako na taga dito nga yung mga nag nanakaw.Palabasin niyo nga ako! Pupuntahan ko yung mga estudyante ko.

Heh! Kung ako sayo, ikahihiya ko yang mga yan! Tignan mo nga ni walang matinong damit! Yung mga buhok may kulay pa!” Biglang napa tayo si Jeremy sa pagkaka hagis ni Angela ng libro na sumakto sa mukha ng guro.

Pasensya na po. Hindi ko lang kinaya na binabastos niyo yung mga kagalang galang kong estudyante.”

Gangster Teacher (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat