Kasalanan ni Destiny

499 51 11
                                    

Hindi ko sinandya, pero nahulog ako. Binigyan ko ng kahulugan yung friendship na ipinakita mo sa'kin. Alam kong hindi mo kasalanan pero hindi ko rin kasalanan. 

Ang buhay ang may kasalanan. Destiny, tadhana, fate, kapalaran at kung anu-ano pang shits ang tawag ng mga tao dito, yun ang may kasalanan kung bakit tayo nagkaganito.

Hindi naman kasi ako marunong magtiwala talaga ng buong-buo kahit pa sabihin kong nagtiwala ako sa mga kaibigan ko. Oo, nagtiwala ako sa kanila. Bobo lang ako kasi ikaw pa yung napili kong pagkatiwalaan ng buong-buo na higit pa sa inaakala ko.

Mahirap maging ganito. Mahirap yung makita ko kayong magkasama na masaya at pa-sweet, sobra kasing nakakainis! Sobra talaga!

Alam mo, wala saplano tong ganito eh. Hindi ko talaga hinahayaan na mapalapit ako sa tao lalo na sa mga katulad mo. Wag ka na magdeny dahil alam mong alam mo kung ano yung tinutukoy ko sa pagsasabi ko ng "mga katulad" mo. 

May mga bagay kang ipinaramdam sa'kin na akala ko hindi ko mararamdaman ulit. Pero kung tutuusin, hindi ka naman kawalan sa'kin eh. 

Wala akong pakialam kung mabasa mo 'to, basta ang mahalaga mailabas ko ang nararamdaman ko. Gago ka kasi eh. Ikaw yung paasa pero hindi mo alam, ikaw yung tipo na dahil sa kung ano yung pagkatao mo may isang tao na nahulog pala sa kung sino ka pero pinili mo yung taong ginago ka.

Hindi ko alam kung may sense pa 'to.

Pero alam kong wala kang kasalanan at wala rin akong kasalanan.

Ganyan lang talaga maglaro ang tadhana sa buhay ng mga tao.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kasalanan ni DestinyWhere stories live. Discover now