~ Chapter # 20 ~

406 31 6
                                    

~*~

~ BOTG: Distinct Strengths ~

A.N: Bago tayo pupunta sa laban ni Tryze, eto muna ang kanyang chibi visual (nanaman):

N: Bago tayo pupunta sa laban ni Tryze, eto muna ang kanyang chibi visual (nanaman):

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Tryze's POV:

" Let me introduce to you the representatives from each guild! "
Nagagalak na anunsyo ng batang MC pagkatapos kong bumaba mula sa audience kasabay ng aking makakalaban. Mukhang isang Magic Type yung makakatapat ko, nakasuot kasi siya ng robe na karaniwang sinusuot ng mga mage.

" Sa aking kanan, ang representative ng Los Desvalidos, Tryze! "
Pagpakilala saken ng MC. Nakarinig ako ng mga sigaw kaya napaharap ako sa pinanggagalingan neto.

Napangiti ako nang makita ang aking mga kasama sa guild na todo ang pag-sigaw at pag-cheer saken. Hindi talaga sila nagkulang sa suporta. Nakakatuwa. Inasahan ko naman talaga na walang ibang magchi-cheer samen dito kung hindi kami-kami lang, mga bagong salta lang kaya kami sa tournament na'to. Pero kahit ganun natutuwa parin ako. Underdogs talaga kami sa paligsahang ito.

" At sa aking kaliwa naman, ang representative ng The Unknown, Ezekiel! "
Medyo marami-rami naman ang nag cheer sa isang 'to. Ewan ko ba kung sikat talaga tong kalaban ko or wala lang talagang ibang choice ang audience na i-cheer. Hahaha.

" Good luck pare. "
Mahina pero nakangiting sabi ng kaharap ko saken habang kami'y nagshi-shake hands. May sportsmanship naman pala ang isang ' to eh.

" Kakailanganin mo yan .. "

Nevermind. Tsk.

" Salamat bro ah? Hehe. "
Naiilang ko nalang na sagot.

" Players! Please turn your attention to the holographic screen to know your battle ground! "
Sinunod namin ang sabi ng MC at tumingala sa malaking screen sa itaas.

Mabilis na lumabas sa screen ang iba't-ibang mga area dito sa laro na unti-unting bumabagal hanggang sa nakikilala ko na ang mga lugar na pinapakita dito. Hindi nagtagal ay huminto ang screen sa isang napakapamilyar na lugar para saming mga players.

" Alright! The battle ground is 'Grassy Meadow'! Players! Get ready! "
Habang unti-unting naglalaho sa pixels ang aming katawan upang i- transfer sa battle ground ay nakatingin lang kaming dalawa ng seryoso sa isa't-isa. Ramdam na ramdam ko na ang competitiveness!

" Let the battle! Begin! "

~*~

Ang simoy ng hangin, ang malinis na damuhan, ang mga tunog ng mga dumadaang ibon sa itaas at ang mga malalaking bato na nakakalat na kadalasang ginagamit bilang sandalan o tambayan. Nandito na nga kami sa Grassy Meadow, ang pinakakilalang area sa Medievus.

Medievus OnlineWo Geschichten leben. Entdecke jetzt