Prologue

1.3K 25 3
                                    

7 YEARS BEFORE...

Sa tugtog ng Beautiful girls ni Sean Kingston, walang humpay ang pakikipagsayaw ko sa dance floor dito sa Club kung saan ko ci-ni-celebrate ang 18th Birthday ko kasama ang best friends ko.

I'm at the legal age finally kaya party to the max ang peg ko with my two closest friends in the world. Imbes na mag kutilyon like what other girls like, I'd rather spend it with this amazing girls beside me. My parents are very understanding na ayaw ko magkutilyon, they let me enjoy my day with my friends. I started my day with them naman kaya siguro pumayag na sila.

"Your way too beautiful girl
That's why it'll never work
You'll have me suicidal, suicidal
When you say it's over." Me and my friends sung it with feelings even though wala kami sa tono at sa tyempo. Sinasabayan namin ang kanta nang pagsayaw ng kahit na ano lang maisip namin.

This is so fun!

"Welcome to legal age, Patti!!" Sigaw ng kaibigan kong si Georgie sabay inum ng hawak niyang cocktail.

"Thank you!" I shouted back, giggling. Kailangan naming mag sigawan dahil sa lakas ng tugtog dito sa Club.

Tinapik ni Alisandra ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Sumigaw din siya kasabay nang pagtaas niya ng cocktail drink niya. "Magpapakalasing tayo ngayong gabi dahil..." She paused at tinignan niya kami ni Georgette ng sabayan-n'yo-'ko look. Gets namin ang isisigaw niya kaya sinabayan namin siya kasabay din nang pagtaas ng inumin namin.

"We're at the legal age!" We toss then ininum namin 'to hanggang sa maubos.

Ahh. I feel like dahil sa pagtungga ko ng cocktail ko malapit na 'kong malasing. This is my first time na uminum kaya parang ang bilis kong malasing.

"I'm out off drink, let's order again!" Alisandra shouted. Sa tono niya parang hindi pa siya tinatamaan ng alak. Mabuti pa siya.

Naglakad na kami papunta sa Bar Station na magkaka-angkla ang kamay sa braso ng bawat isa. Para kaming tres marias, 'di mapaghihiwalay.

"Hey cutie pie, pa-order pa kami ng tatlong cocktail!" Order ni Alisandra sa Bartender.

"Ali, 'pag nalasing tayo sino magmamaneho sa'tin pauwi?" Tanong ni Georgette.

"Don't worry about it G. Maghahanap tayo ng gwapong lalake dito sa Club para ipag-drive tayo." She winks.

Mmm. Good luck sa na isip niyang idea. Kung sabagay may pagka-playful 'tong si Ali pagdating sa boys. Madali lang para sa kanya na mangakit ng guy because she's pretty.

"Hi ladies," Dinig naming bati ng isang lalake. We all looked at him from Alisandra's side. He's cute and tall. I think nasa 6' height niya.

"Speaking of gwapo," Ali waves her hand to him. "Hi pogi."

"Hi beautiful, kanina pa namin kayo pinagmamasdan ng mga kaibigan ko. Gusto n'yo bang maki-join sa'min? The drinks is on us, what do you think?"

"I think that's a brilliant idea!" Ali agreed, quickly. She turned her head towards us. "Gora tayo, right girls?" She asked us with a mischievous smile on her face.

Nagkatinginan lang kami ni Georgette at napailing sa kapilyahan ni Ali. Basta talaga gwapo, mabilis siyang bumibigay. Pero dahil ayaw naman naming iwan siya sa stranger...

"Okay." We both agreed.

Binalik niya ulit ang tingin sa lalakeng bet niya. "So, where's your friends?" She asked.

"Follow me." Utos niya.

Hinintay na muna namin ang i-ni-order naming inumin 'tsaka kami sumunod sa lalakeng bet ni Ali hanggang sa makarating kami sa table nila kung saan may dalawa pang cute guy na naghihintay sa'min. Pero mas pumukaw ng atensyon ko ang lalakeng nakasuot ng red plain T-shirt dahil sa sexy smile nito. He instantly got my eyes on him.

Beware of CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon