Two

377 16 4
                                    

Pinuntahan ko ang best friend kong si Georgie at ang boyfriend niyang si Prince sa Bar Station kung saan nila kami pinapanuod nung bwiset na lalakeng 'yon.

"Akala ko ba magpapaalam ka lang kay Prince? Nakita tuloy ako nung lalakeng 'yon." Sabi ko kay Georgie.

She chuckled. "Sorry, nakita ko kasing magkausap na kayo kaya hinayaan ko muna kayo."

I just rolled my eyes. Nawala talaga ang hilo dahil sa mga nangyayari.

"I didn't know na magkakilala pala kayo ni Nicholas." Sabi ni Prince sa'kin.

"Hindi naman talaga." Bigla kong naramdaman na may umakbay sa'kin na medyo ikinagulat ko. Tinignan ko kung sino 'yon at itong manyak na si Nicholas daw ang nakita ko.

"You guys know this girl?" Tanong niya sa dalawa.

"Best friend ko siya." Sagot ni Georgie.

"Alisin mo nga 'yang braso mo sa'kin!" Pagaangal ko sa kanya 'saka ko tinanggal ang kamay niyang nakaakbay sa'kin. Tinulak ko siya ng bahagya para malayo sa'kin ng kaunti. Masyado kasi siyang close eh hindi naman kami close.

Pumito siya na parang namangha sa ginawa ko. "What's your name doll face?"

"I won't tell you that!" Pagtataray ko na may kasamang pagirap. Binaling ko ang tingin ko kay Georgie.

"Tara na." Gusto ko na talagang makaalis.

"Aalis ka na agad doll face? Don't you want to enjoy first? I promise if you stay mag e-enjoy ka lalo na't kasama mo 'ko."

"Kanina pa 'ko nandito kaya gusto ko nang umuwi."

"Hindi kaya dahil gusto mong umalis dahil nakita mo 'yong--" Tinakpan ko agad ang bibig niya bago pa malaman ni Prince ang kahihiyan ko.

"Shut up!" I mouthed at him 'saka ko siya pinanlakihan ng mata. Pinapaalala pa talaga niya 'yong nakita ko. Nakakainis!

Kahit nakatakip ang kamay ko sa labi niya alam mong nakangisi siya.

"Alam mo brokenhearted 'yang best friend ko kasi niloko ng boyfriend, siguro matutulungan mo siyang makalimot ngayon." Georgie told Nicholas.

What the hell?

I gave Georgie a want-are-you-saying look. Ikalat daw ba sa wirdong 'to ang pagiging brokenhearted ko?

Ngumiti lang siya sa'kin at nag peace sign.

Tinanggal naman ni Nicholas ang kamay ko sa bibig niya. "Kung gano'n nasa tamang tao ka. Baka nga pati pangalan mo makalimutan mo 'pag natikman mo 'ko."

My mouth fell. I can't believe na lumabas 'yon sa bibig niya. At our first night na magkakilala kami 'yan na agad ang sinabi niya? Tao pa ba 'to o Alien na?

Tumawa lang naman si Georgie at Prince sa sinabi ni Nicholas.

Ayoko na! Aalis na talaga ako.

Hindi na 'ko nag paalam pa sa lahat basta nag lakad nalang ako. Narinig ko pa ang pag tawag ni Georgie sa'kin pero hindi ko na 'yon pinansin hanggang sa makalabas na 'ko ng Club.

"Patti, sandali lang naman!" Dinig kong boses ni Georgie.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Nagmamadali itong makalapit sa'kin.

"Tara na, sabay na tayo." Hingal niyang sabi paglapit niya.

"Sige." Pagsangayon ko.

Dumiretso na kaming dalawa sa kotse niya at sumakay. Sa pagpapagana niya ng makina sinimulan na namin ang byahe.

"Mukhang natipuhan ka ni Nicholas ah." Pabirong sabi ni Georgie sa gitna nang byahe namin.

"I don't care! Gwapo nga siguro siya pero mukha siyang babaero at manyak!" Puro kamanyakan nasa bibig niya. Hindi purket nakita ko na 'yong itinatago niya eh dapat na siyang mag salita ng gano'n.

Urgh! Kinakilabutan pa din ako sa nakita ko.

She laughed. "Kung nandito si Ali for sure asar talo ka sa pangaasar nun."

Urgh! Buti nalang din talaga wala siya. Mas malakas pa naman mang trip 'yo kesa dito kay Georgie. Nasa France kasi ngayon ang kaibigan naming si Alisandra Cartejo para sa vacation with her current boyfriend.

"Alam mo tama ka sa first impression mo kay Nicholas. Nabanggit na sa'kin ni Prince na babaero nga daw si Nicholas at puro romansa ang nasa isip. Casanova kung tawagin." Dagdag niya.

"Casanova? Sus! Pinasosyal lang 'yan na fuck boy." May Casanova pang nalalaman eh, fuck boy lang naman 'yon.

"Hindi ka ba na attract sa kanya?"

"Pss! Okay. Sabihin na natin na, na-attract ako sa ka-gwapuhan niya. Bumagsak naman siya sa'kin sa kamanyakan niya."

Akala niya ata kagaya ako ng ibang girls na makukuha niya sa pagpapacute niya eh.

We finally made to my Apartment...

Bumaba na 'ko sa kotse ni Georgie.

"Thanks for a ride." I told her.

"You're welcome."

"Drive safe!"

"I will!" Nag flying kiss siya sa'king bilang pagpapaalam.

Sinarado ko na 'yong pinto ng kotse 'saka ako nag lakad na papasok ng Apartment. Dumiretso ako sa sala, umupo ako sa couch. Pahagis kong hinubad ang sapatos ko 'saka ko sinadal ang ulo ko sa sandalan ng couch.

Fuck! This is a weird night.

"Ate," I heard Pattrice called. My younger sister. I looked at her, nasa hagdan siya na nakasuot ng Hello kitty pajama dress. Favorite niya kasi si Hello Kitty kaya pati pajama Hello Kitty. Actually ang lahat ng makikita sa kwarto niya, hello kitty.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pumunta kanina dito si Kuya Barry, 'yong ex mong siraulo." I-ni-emphasize niya ang word na ex kasabay ng pag roll ng eyes.

Kung bitter ako sa ex kong si Barry, bitter din kasi siya sa break up namin dahil naging boto siya kay Barry para sa'kin tapos sinaktan at pinagpalit lang ako sa giraffe.

"Anong kailangan niya?" Tanong ko.

She shrugged. "Gusto ka raw niyang makausap eh."

"Buwiset siya! Ang landi niya, may giraffe na siya pumupunta pa siya dito." Irita kong sabi. Ang weird na nga nangyari sa'kin sa club ni Prince dadagdagan pa ng balitang pumunta dito 'yong lalakeng 'yon? Para sa'n pa at bibisi-bisita siya dito?

"Ang sabi din niya tawagan mo daw siya." Dadag ni Patrice.

Napa-roll nalang ako ng eyes dahil sa sinabi niya. Feeling siya masyado, akala ba niya tatawagan ko talaga siya dahil lang sinabi niya? May sapak na talaga sa ulo 'yong lalakeng 'yon.

To be continued...

Beware of CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon