Four

290 18 4
                                    

Pattricia Esqueto

I can't believe Nicholas agreed na makasama naming kumain ang ex ko at ang Giraffe na 'to! And now I'm sharing one table with them. It sucks! I'm still hurt seeing Barry with his new girl, talking, smiling, sweet with her.

Urgh! Bakit ba kasi sa dami ng Mall dito sa Metro Manila nasa iisang Mall pa kami ng dalawang 'to?

Mapaglarong tadhana nga naman oh!

Mabuti na lang nandito si Nicholas at kahit papaano napapayag ko siyang magpanggap na boyfriend ko. Nakakabigla lang na napapayag ko siya dahil sa kilala siyang Casanova.

"Matagal na ba kayong mag kaibigan ni Barry?" Tanong sa'kin ni Giraffe.

Oo mas matagal pa sa inyo! Inagaw mo lang naman siya sa'kin! Gusto ko sanang sabihin 'yon kaso hindi ko na tinuloy, ayokong lalong masira ang araw ko at pride ko.

"Ilang taon na din." Sagot ko.

"We've known each other since college." Sabi din ni Barry.

"I see."

"I'm curious, gaano mo kakilala si Patti?" Tanong ni Nicholas kay Barry. Bigla kong nabaling ang tingin kay Nicholas dahil sa pagtataka sa tanong niya at gulat na rin na alam na niya ang name. I don't remember telling him that-- narinig niya pala kay Barry kanina.

"I know her well. I know what she likes, she hates, her family background, her job... Everything."

Nicholas chuckled. "That makes me jealous, kaunti palang kasi ang alam ko kay Patti."

I'm tempted to roll my eyes pero hindi ko na tinuloy. Paano naman kasi siya may malalaman sa'kin? Eh wala na siyang na isip kundi ang maka-score sa'kin.

"Bakit gaano na ba kayo katagal na nag di-date?" Tanong ni Giraffe sa'min.

"Bago lang." Mabilis kong sagot.

"Gaano ka-bago?" Barry asked. Nakikita kong curious siya. Iniisip siguro niya kung kami pa bago pa niya tinapos ang lahat sa'min. Itutulad pa niya ako sa kanya.

"Ngayon lang." Sagot ni Nicholas.

"I don't know why pero parang pamilyar sa'kin si Patti." That Giraffe said.

"Maybe you saw her on TV. She's a Volleyball Star Player." Sagot ni Barry.

"Oh really?"

I nodded. "Yes."

Biglang inilapit ni Nicholas ang mukha niya sa tainga ko at bumulong. "I didn't know na sikat ka."

Ginawa ko din ang ginawa niya at bumulong. "Hindi mo talaga malalaman 'yon dahil wala ka namang tinatanong."

Sumubo na lang ulit ako ng kinakain ko 'saka ko naman naramdaman ang paghalik ni Nicholas sa ulo ko. Aba't! Nagpapanggap lang kami ah! Bakit may pahalik-halik pa siya? U-mi-i-score ang mokong ah! Pasalamat siya nasa harap namin si Barry.

"Kiss mark ba 'yang nasa neck mo?" Giraffe asked Nicholas. She's looking directly at his neck. I almost choked dahil sa tanong niya, kinuha ko 'yong baso ko na may lamang tubig at ininum ito.

Bakit may kiss mark siya?

"Yeah! Doll face, made this."

It turned my cheeks red, instantly. Shocks! What the fuck is he saying?!! I never even kiss him yet. Fuck!

I glance, embarrassingly at Barry, we never got into passionate sweetness love making thing, na maybe inaakala niyang ginawa namin ni Nicholas that's why I'm curious to his reaction.

Beware of CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon