Chapter 19

78 6 2
                                    

Mabilis lang lumipas ang isang linggo kaya balik trabaho na ako ngayon. Late na nga ako dahil hinatid ko pa muna si Ada sa school.

"Good mor-ning?" takang tanong ko sa mga katrabaho ko. Para kasing may iba. No. May iba talaga. Bakit ang kalmado nila ngayon? Everytime na nandito ako halos magliparan na nag mga papel sa pagiging aligaga ng lahat at walang lugar ang katahimikan sa kwartong ito dahil sa mga tunog ng mga sapatos nila na tila may hinahabol lagi.

"Anong meron te at sobra atang tahimik niyo?" tanong ko sa katabi ko. Tiningnan niya ako gamit ang nagniningning niyang mga mata.

"Bakla! Namiss kita!" 

"Hindi kita namiss kaya sige kwento na. Anyare dito habang wala ako?" puno ng kuryosidad ang tanong kong iyon dahil nakakapagtaka talaga.

"Ay grabe siya oh! anyway, isang linggo ng ganito ang department natin. Tila kasi sinapian ng anghel si big boss kaya ang bait-bait niya ngayon."

"Huh?" 

"Nawala lang ng isang linggo naging boba na?" 

"pakainin kaya kita ng papel? Bwisit na ito." iritang sabi ko at padabog kong inopen ang computer ko.

"Hindi ka na mabiro sis. Bigla kasing bumait si sir then approved na ang proposal natin!" Hindi makapaniwalang tumingin ako rito.

Tama ba ang narinig ko? Bumait si Dash? Inapprove niya ang proposal namin? Aba anong nakain niya?

Hindi kaya...nakinig siya sa mga sinabi ko nung nakaraang linggo? Maisip ko palang na nakinig siya sa akin hindi ko na maiwasang hindi ngumiti.

"Ganda ng ngiti ahh.."

"Syempre masaya ako approved na ang proposal na pinaghirapan natin." sabi ko nalang.

Nagpatuloy ang trabaho hanggang sa mag alas-dose na hudyat para sa lunch break. Tumayo na ako at nag unat tsaka naglakad palabas ng opisina.

Hindi ako sumasabay sa mga kasama ko kahit pa inaaya nila ako. Hindi ko nalang pinapansin yung mga sinasabi nila kung bakit hindi ako nasabay sa kanila.

Nakatayo ako sa tapat ng elevator habang hinihintay itong humito sa floor namin. Kinuha ko ang phone ko upang tingnan kung may text pa ako o wala. Napangiti ako pagbukas ko dahil bumungad sa akin ang picture ng pamilya ko. Ako, si Ada at si Dash. Picture namin ni Dash dati at nung baby pa si Ada, pinagsama ko lang ito at ginawa kong wallpaper. 

"Ngingiti ka nalang ba dyan o sasakay ka?" Bigla akong napatingin sa elevator na nakahinto na pala ngayon sa floor namin.

"what?" kunot-noo nitong tanong kaya naman kusa na akong pumasok at pumunta sa kabilang gilid ng elevator.

"Salamat nga pala." basag ko sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa ngayon. 

"For what?"

"For listening. Hindi ko akalain na makikinig ka sa akin nung sinabi kong itry mo ring magpakabait sa office. Pati ang proposal namin inapprove mo-"

"Look Ms. Lagdameo, I didn't do it because you said so. I am the owner of this company and I know when to put green light on something. I know I am a bit jerk with my employees but that's me. I can be a jerk and I can also show kindness towards my employees." napatulala ako ng sabihin niya iyon. Ni hindi ko nga namalayan na nandito na pala kami sa ground floor. 

Lumabas ito kung tumingin muli siya sa akin.

"Huwag mong isipin na ginawa ko ang lahat ng iyon dahil sa'yo. For me, you're just a mere employee. Nothing more." kasabay ng pagsara muli ng pintuan ng elevator ang pagkawala ng masayang ngiti ko kanina.

"hays...Ae okay lang yan. Sanay ka naman na." pag-aalo ko sa sarili ko. Pinindot ko ang 8th floor at ng makarating ako ay kaagad kong inayos ang sarili ko. Ayokong mahalata nila na hindi ako okay.

Binuksan ko ang pintuan at natagpuan ko don ang mga taong kanina pa ata naghihintay sa akin.

"You're late Ae. You know the meeting starts at 12." sabi ng isa sa mga BD. Tiningnan ko lang ito at dumiretso sa upuang nakalaan para sa akin.

"Like I care. I am the owner of this company I can do whatever I want."

"Still-"

"Stop wasting time. Start the meeting and make sure that it's worth my time." napalunok ang lahat ng sabihin ko iyon.

Yes, I am the owner of this company...together with Dash Archangel.

12:15am|02.18.18



What Makes a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon