0:27

147 14 6
                                    

baejin's

diretso ang tingin ko sa pwesto ni rina habang naglalakad palapit sa kanya. sa sobrang ganda niya sa paningin ko, hindi ko maiwasang ngumiti.

"hello, rina" bati ko ng nakangiti

"hello rin, upo ka" sabi niya kaya umupo ako sa tabi niya

lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti, mas lalo akong naiinlove.

"may adobe flash ka na? ako nalang sa one to five tapos sayo yung six until ten" sabi niya kaya napatango nalang ako.

habang gumagawa kami, di ko maiwasang tumingin sa kanya. until now, i can't believe that i'm with her. she looks like an angel to me.

sa sobrang dami ng ginagawa namin, hindi na namin namalayang maggagabi na pala.

"tapos ka na ba?" tanong niya

"hindi pa, tatlong chapter palang natatapos ko. ikaw?"

"last chapter nalang." sabi niya kaya napatango ako, "uwi na tayo, ituloy nalang natin sa susunod" dagdag niya

niligpit namin yung laptops at books at sabay na lumabas sa library.

"hatid na kita"

"nako, wag ka. maggagabi na, baka hanapin ka na sa inyo."

"i instist. tara na" sabi ko sabay hila sa kanya

hindi ko binitawan ang kamay niya hanggang makarating kami sa kanila. nalaman kong isang street lang pala ang pagitan namin. pwede ko pala siyang daan daanan dito minsan.

"thank you, ingat sa pag-uwi. bye!" sabi niya habang kumakaway, ang cute niya.

"sige, bye na"

parang akong baliw habang pauwi sa dorm dahil sa sobrang saya. sana maulit pa 'to.

---

auq na, di talaga ako magaling sa narration huhu pero sana maappreciate niyo kasi nga ang cute ko ahek yung sa ict talaga e huhu pagod na pagod na ko kaya ayern hayst inspired by ict charot

❝ erin ❞ » 배진영Where stories live. Discover now