0:56

138 10 0
                                    

rina's

habang nanonood ako sa tv, umupo sa tabi ko si mama

napapansin kong nakatingin siya kaya tinignan ko rin siya pabalik

"ba't, ma?" tanong ko

"ikaw ah, 'di mo sinasabing may nanliligaw na sayo. tampo si mama mo" sabi ni mama na nakanguso pa. napakaisip bata talaga hayst

"wala naman e"

"wala raw e nagpunta siya dito nung nakaraan" sabi pa ni mama. "tampo si mama mo huhu" dagdag pa niya at umalis

bat sinabi ni mama na may manliligaw ako, wala naman ah?

wala akong maalalang may manliligaw ako...

si baejin kaya? ilang araw na kaming hindi naguusap, di nga ako nun pinapansin eh, manliligaw pa kaya? imposible

siguro miss lang ako ni mama kaya naglalambing ahek tampo pa kunwari hayst

---

❝ erin ❞ » 배진영Where stories live. Discover now