SEQ. 21. INT. SALA NG BAHAY NG INA NI JOHN. 2PM
Nineveh is reading the Bible, when John enters the room.
JOHN
Good afternoon, Ma! (Kisses her mother's cheek)
NINEVEH
Kumusta ang pag-a-apply mo?
(John couldn't answer his mother's question.. He sits in a sofa.)
NINIVEH
Ok lang 'yan, anak..'Wag kang titigil.. Mabait ang Diyos. Sabi nga Niya, pakakainin Niya ang nagugutom, paiinumin naman ang nauuhaw.. Kumatok ka lang sa pinto Niya't ika'y pagbubuksan. Prayer lang, John. Manalig ka sa mga nakasulat dito. (Itataas ang hawak an Bible)
JOHN
Tama ka po, Ma! Pero, pa'no kung..pa'no kung matagalan bago ako matanggap sa trabaho? Pa'no kung hindi na?
NINEVEH
'Wag mong sasabihin 'yan. Walang imposible!
JOHN
Ayoko pong dumating sa point na magreklamo na si Joanne at magsawa sa pagtayo bilang ako.
NINEVEH
Hindi mangyayari 'yun. Mahal na mahal ka ni Joanne. Handa siyang magtiis..
JOHN
Si Marjorie..di na siya nag-i-school.. Ma, ayoko ring pabayaan ang pangangailangan niya.
NINEVEH
Sabi ko nga sa'yo..umasa kang makakapagsimula rin kayo tulad ng dati.. Basta't may faith ka at may gawa..
JOHN
Mayroon ako nun, Ma..pero kulang yata dahil heto't bigo pa rin.. Kung kelan..kung kelan natanggap ko na si Joanne sa puso ko. Nakahanda na akong pakasal sa kanya. Ngunit, pa'no nga kung wala akong trabaho?
NINIVEH
Iibahin ko ang usapan.. Nalalapit na ang pamamanhikan ng kasintahan ni Rina.. Sa wakas, lalagay na rin siya sa tahimik.

STAI LEGGENDO
Apokalipsis
SpiritualeSi John ay sinubok, pinatawad at muling susubukin ng Panginoon. Isa itong script na maaaring gawing pelikula.