Sequence 53

108 1 0
                                    

SEQ. 53. EXT. MADILIM NA BAHAGI NG SUBDIVISION. GABI


Walang kamalay-malay si Pastor Artemio Norgoy na may sumusunod sa kanya, si John.

JOHN (VO)

Diyos ko! Diyos ko, hindi ko gusto ang bagay na ito.. Kesa sa ako ang mapahamak at maiwanan ko ang mag-ina ko ng walang-wala..Jesus, kailangan ko itong isakatuparan. Patawad po. Patawad..

(John continues tracking down the path of the pastor.)

JOHN

Pastor! Pastor!

PASTOR

(Looks back) Brother..?!

JOHN

Makasalanan po ako.. Gusto ko sanang ipanalangin ninyo ako upang mapatawad ako ng Diyos. Ngayon din po..kung maaari po.

PASTOR

(Convinced) O, sige..tayo'y manalangin..

(John closes his eyes, so as the pastor. Then, right hand of the pastor is put above John's head.)

PASTOR

Lord, Amang Banal..salamat sa oportunidad na ito.! Salamat sa dugo na pinaagos Mo para matubos kami sa aming pagkakasala. Gayon pa man, patuloy pa rin kami sa pagkakasala..

(John opens his eyes and prepares himself. He's now holding the golden gun with a silencer.)

PASTOR

...Hindi po kami kailanman namuhay na gaya ng pamumuhay noong Kayo'y nasa lupa pa.. Lord God, humihingi po ako ng kapatawaran, pati ang lalaking ito.. Anuman po ang kasalanan niya, iligtas Niyo po siya't tuloy na ilayo upang di na muling bumalik pa sa kanyang masamang gawain.. Ito po ang aming dalangin sa ngalan ni Cristo Hesus, Amen!

(Matutumba si Pastor Norgoy sa tama ng baril.)

ApokalipsisWhere stories live. Discover now