LEVEL 32: DNA

109 9 6
                                    

Sannity's POV

QUIN!

"Quin!" Napaupo ako mula sa pagkakahiga. Bigla naman akong nilapitan ni Stella na mabilis na hinagis ang librong hawak niya.

"What the f•ck?" Gulat na tanong ni Nigel. Pawis na pawis ako at hindi ko na matandaan kung ano ang napanaginipan ko. Basta ang naalala ko lang ay niyakap ko si Quin para saluhin ang arrow na tatama sa kaniya.

That was so weird. Nakita ko si Xenon si Nigel? Why the hell did i saw him there? Siguro sa sobrang pagiisip ko sa kaniya ay pati sa loob ng panaginip ko lumulusot siya.

"A nightmare isn't it?" Tanong ni Nigel. Isn't it obvious? Kanina pako naghahabol ng hininga rito.

"I had experience that for the past one hella straight week." Dagdag pa ni Nigel napakuskos tuloy ako sa mata ko at umupo ng maayos.

"It's so weird dahil sa panaginip ko na iyon lagi kong kasama si Quin and Xenon. Even You, Ville, and Sannity."

"Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."

"Hindi sapat na marunong kalang dapat magaling ka."

Mga kataga! Saan galing ang mga iyan? Pakiramdam ko ay sinabi ko lahat ng iyan. Pero paano?

"We're wearing a native warrior suit right?" Tanong ko kay Nigel.

"Exactly." Napatingin lamang saamin si Stella at Blue I hope nakakabuo na sila ng ideya. Dahil ako naiisip ko na Lucid dream lang ito. Pero--- pero parang totoo.

Biglang pumasok sa isip ko na isearch ang mga information na sinend saamin ni Blue kahapon.

Sino ka nga ba Yiruma? Maari kayang, si Yiruma ay bahagi ko? Bakit kami magkamuka? Bakit parang konektado ang lahat?

Quin's POV

Simula sa pagmulat ng mga mata ko ay lungkot ang namamayani hanggang makabangon ako.

Walang gana akong lumabas mula sa bahay ni Serafina. Hindi ko ito pinansin nang tawagin niya ako. Lahat ng tao sa bayan ay tila lantang gulay sa mga pangyayari.

Hinahanap ko si Ville nasan ba siya? Hindi ko lubos maisip kung anong mga gagawin ko. Saan ako magsisimula? Pano ko tatapusin si Pentagon? Ang alam ko lang sa oras na magharap kami hindi kona paalampasin ito.

Pano ako babawi kung ganito ako? Hindi ko alam kung papaano magsisimula.

Before I know I bumped into someone.

"Stop being like this please." Si Xenon. Nagulat ako ng buhati nya ako at ilagay sa balikat nya. Aba'y talagang nababaliw naba sya.

"Ibaba mo 'ko!" Sigaw ko. Sigaw kopa sabay hampas sa likod nya. Maraming nakakakita pero walang gustong tumulong sakin. Ano 'to? Set up?

"Shhh. Aakalain nilang dinukot kita." Seryosong sabi pa nito.

"Bakit muka bang hindi? Minamanyak mo lang ata ako e!" Sigaw ko. Pero wala talagang gustong tumulong saakin.

"You wish. I'd rather do that to Luna." Iilang salita pero lubha kung tumama. Dahil sa sinabi niyang iyon ay natauhan ako at tumahimik.

Sa buong paglalakad namin ay hindi ako umimik. Hanggang sa mapunta kami sa isa sa mga lugar na kinatatakutan ko.

"We're here." Atsaka niya ako ibinaba. Big mass of water. Tanda ko ito dito ako sinanay ni Yiruma.
I miss her.

"It's time to face your fear and be stronger than the Quin you were before." Napalunok ako sa sinabi niyang iyon, hinubad niya pa ang coat niya na lalong nagpanginig ng tuhod ko. Miski ang mga sapatos niya ay hinubad niya. No please I can't.

GAMEOVER: The World Of DandelionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon