Chapter 23

379 15 0
                                    

"Ang gandang pambungad naman ng mga mukha niyo." natatawang sabi ni Joshua na nakaupo sa sofa.

Naabutan nga namin sa sala sila Lexus. At tawa agad ni Joshua ang bumungad sa amin. Ang sarap hambalusin ng walis nitong gagong to. Nilapitan siya ng kapatid niya at sinabunutan.

"A-Aray naman, Bunso!" daing nito habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ni Blair sa buhok niya.

Gusto ko sanang sabunutan din siya kaya lang baka magmukha na siyang cancer patient kapag naubos ang buhok niya. Nilapitan ko nalang yung tatlo at binati.

"Hi, boys." bati ko at ngumiti.

Ibinalik naman nila agad ang ngiting yun at binati din ako. Napansin ko nakaformal suit silang tatlo. Pawang mga nakapolo sila at jeans. Maybe they thought that they will attend a real party. Ugh, didn't Kuya King tell them that it's just a simple dinner at kami kami lang dadalo?

"Dito ba ang venue ng party? Where are the other visitors?" tanong sa akin ni Ian.

Confirmed. Wala nga silang kaalam alam na simpleng salo salo lang ang mang-yayari! I saw Ian looked at me from head to toe. Maybe he's wondering why I'm only wearing a simple blouse and shorts.

"U-Uhm. Ian, it's just us. No other visitors. And there's no party, just a simple dinner celebration." nahihiyang sagot ko.

Binalingan ko si Kuya King at sinamaan siya ng tingin. Nagkamot naman siya ng ulo at napayuko. Ugh! Magsama sila ni Joshua! Pareho silang sira ang ulo! Kaasar!

"I'm sorry, I forgot to tell. But don't worry, you can borrow clothes from me if you're not comfortable with your suits." wika ni Kuya.

"No, it's okay. I brought some spare clothes. It's in my car." wika ni Ian at ngumiti.

"Ako rin." saad ni Lexus.

"Me too. Nasa kotse ni Ian." ani Reev.

Tinanguan lang sila ni Kuya. "So let's go? The foods are waiting."

Nagtungo kaming lahat sa dinning room. Nakahanda na ang iba't ibang klase ng mga pagkain na sa sobrang dami ay mukhang hindi namin mauubos. No, I'm certain na hindi nga namin iyon mauubos dahil walo lang naman kami.

Wala sila Mommy at Daddy kaya mga katulong lang ang  kasama namin ngayon dito sa bahay. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta, at wala din naman akong balak alamin kung saan.

Umupo kaming lahat. Umupo ako sa gitna nila Blair at Ches. Tahimik lang ang lahat, lalo na si Ches na nakayuko lang. Simula nang sumabat si Kuya King sa usapan namin kanina ay hindi na siya muling nagsalita pa. Idagdag pa na katapat niya ngayon si Joshua.

Bale ganito ang ayos namin sa mesa:

Lexus - Reev - Joshua - Ian
Blair - Ako - Ches - Kuya King

"Let's eat!" masiglang sabi ni Kuya King.

"I have a feeling that something bad will happen tonight." bulong sa akin ni Blair.

Tinaasan ko siya ng kilay. "At kailan ka pa naging manghuhula?"

Nagkibitbalikat lang siya at nagsimulang kumain. Walang nagsasalita sa amin. Halos hindi naman ginagalaw ni Ches ang pagkain niya. I badly want to ask her what's wrong pero sa sobrang tahimik, siguradong maririnig kami ng lahat.

Hindi ko tuloy alam kung birthday celebration ba ito o lamay. Nakakabingi ang sobrang katahimikan.

"I'm not yet dead." biglang sabi ni Kuya King habang nasa gitna kami ng pag kain.

Siguro kanina niya pa nahahalata na walang nagsasalita. Hindi ko alam kung anong problema nung tatlong lalaki at tahimik sila. Suro pinapakiramdaman lang nila ang paligid, ganun din si Blair. Ako naman, I feel so awkward. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang nararamdaman ko. Ches is quiet because of Joshua and Kuya King. I'm sure of it. Si Joshua naman ay nakatitig lang kay Ches, at tinignan naman siya ng masama ni Kuya.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Where stories live. Discover now