Chapter 32

419 19 1
                                    

Mahigit isang linggo na ang nakalipas nang makipag-away ako dun sa drama queen na mukhang paa. Tuwing nakikita ko nga siya na nagdidilig ng halaman at nagwawalis sa hallway ay hindi ko napipigilang tumawa.

Buti pa ako, chill lang. Wala pa naman kasing sinasabi si Reev kung kailan kami magpaplano. Though, sa tingin ko naman ay hindi na niya kailangan ang tulong ko dahil matalino naman na siya.

Hanggang ngayon ay hindi parin kami ayos. Parang hindi na ulit kami magkakilala.

Pumasok siya noon after break time pero seryoso nanaman siya. Minsan, nakikita ko siyang ngumingisi mag-isa. Pero ang mas malala ay noong uwian na. Tumawa muna kasi siya bago nagpaalam kila Ches. Oo, sa kanila lang. Hindi sa akin.

Hindi siya nagpaalam sa akin dahil binigyan niya lang ako ng band aid na hindi pa nagagamit.

Akala ko noon, nababaliw na siya. Pero pagka-uwi ko ng bahay. Nalaman ko kung ano yung dahilan kung bakit siya ngumingisi at tumatawa. Nang tanggalin ko yung bad aid na nilagay niya sa pisngi ko, nakita kong wala naman talaga akong sugat doon.

For God's sake! That band aid was on my cheek the whole day!

Pero sa hindi ko malamang kadahilanan, hindi ako nainis sa kanya dahil doon. Siguro dahil may utang na loob ako sa kanya sa paggamot niya sa mga sugat ko.

Magaling na ang halos lahat ng sugat ko. Pinilit pa nga ako ni Dad noon na ipacheck up, syempre pumayag na ako. Mabuti nalang wala akong naging bali at hindi na infection ang mga sugat ko. Dahil baka mas malala daw ang mangyayari kapag nag infection and mga yun sabi ng doktor. Binigyan din ako ng ointment para mawala ang mga peklat. Syempre, ayaw ko namang maging katawa-tawa sa harap ng mga tao.

Sa dami ng nangyari, nakalimutan ko na na dapat ay sasabihin ko kay Lexus na pinapayagan ko na siyang manligaw sa akin. Ewan ko ba, bigla nalang nawala sa isip ko. At ngayon naman, hindi na ako makahanap ng tamang pagkakataon para sabihin sa kanya.

"Spacing out again?"

"Shut up, Ches."

Tinawanan niya lang ako. "Eh kasi naman Res, kanina ka pa tulala diyan. Ano bang iniisip mo? Ishare mo naman."

I rolled my eyes. "Stop pestering me, Ches. Your boyfriend's room is just meters away from mine. If you want someone to annoy, go to him." pagtataboy ko.

Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at pumunta dito sa bahay. Mukhang pagkauwi niya ng bahay nila galing sa school ay nagpalit lang siya at dumeretso agad dito. Akala ko nga si Kuya King ang sadya niya pero hindi naman daw. At dadalaw na nga siya, hindi pa niya sinama si Blair. Medyo matagal na kasi noong huli kaming nagkaroon ng oras para makapagbonding. Yung kaming tatlo lang, tulad noon. Medyo namimiss ko din naman yung tatlo lang kami na magkakasama.

"Mag tagalog ka nga! Daig mo pa si King kung makapag-english eh! At ikaw ang sinadya ko dito, hindi siya. Kaya huwag mo akong ipagtabuyan." reklamo niya.

Tumayo siya sa kama. Dahil sa pag-aakalang aalis na siya ay agad ko siyang pinigilan.

"I'm sorry, okay? Don't leave."

Humarap siya sa akin. "Huh? Hindi naman ako aalis." sabi niya.

Naglakad siya papunta sa aircon at pinalakasan yun. Napangiwi ako. Tignan mo itong babaeng to. Kung makapagsalita na pakiramdam niya ipinagtatabuyan ko siya pero nagawa pa niyang palakasan ang aircon ng kwarto ko. Unbelievable. Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa kama at umupo.

"Okay, Ches. Do you have something important to say that's why you're visiting me at this time?" tanong ko.

Umiling siya. "Nothing. I just missed you." wika niya ng hindi nakatingin sa akin.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz