CHAPTER THIRTY

1.1K 46 2
                                    

Iginalaw ko ang mga daliri ko bago dahan-dahang idinilat ang mga mata. Kisame . . . nasaan ako?

Ang alam ko ay nasa Batangas kami. Sa isang beach resort. Nagsasaya kami at kinagabihan ay-- ang magpinsan!!

Bumalikwas ako ng bangon at nagulat ng makita silang lahat.

"Mabuti naman at gising ka na." Lumapit sa akin si Rina at may inabot na tubig. Kinuha ko iyon pero nanginig ang kamay ko kaya hinawakan iyon ni Suzy.

"Nasaan tayo?" Sabi ko na bulong lang lumabas. Tuyo ang aking lalamunan na parang isang araw akong hindi uminom ng tubig.

"Nandito ka sa bahay ni Altaire nagpapahinga." Tumingin ako sa nagsalitang si Jonas na katabi sa upuan ni Clint.

"Nandito kayong lahat . . . at naka uniform." Bakit sila naka uniform?

"Dahil lunis na ngayon Jess. Dalawang araw kang tulog." P-papano?

"Tingin namin ay si Altaire ang nagpatulog sa iyo gaya ng ginawa niya sa amin."

"A-alam niyo?" Tumango si Suzy at hinawakan ang kamay kong may hawak ng baso.

"Uminom ka muna." Inalalayan niya akong uminom at dahil na din siguro sa uhaw ay naubos ko iyon.

"Nasaan si Altaire? Si Yuki? Y-y-yung mag . . pinsan?" Tumayo si Clint at sumandal sa pader malapit sa akin.

"Alam na namin na binura ni Yuki ang ala-ala namin nung para kang kinukulam." Siniko ni Jonas si Clint kaya sinamaan siya nito ng tingin.

"Si Yuki ang nag-alis ng ala-ala niyo?"

"Oo Jessica. Pero ibinalik na niya. Parang pinakalimutan niya lang."

"Gusto sana naming magtampo dahil inilihim niya ang pagiging bampira niya at sayo naman sa mga nalalaman mo. Pero hindi ito ang oras para doon."

"May sinabi sa amin si Altaire na dapat daw naming sabihin sa iyo."

"Ano iyon?" Para sa akin? Baka balita sa magpinsan.

"Una, alam na ng kuya mo lahat. Dumadalaw din siya dito pero inilihim niya iyon sa papa mo." A-alam na ni kuya . . .

"Pangalawa, kung hahanapin mo daw ang magpinsan, ibinalik daw sila ng kapatid niya sa m-mundo nila para gamutin doon. Iyon lang."

"Anong kalagayan nila?"

"Pasensya na. Wala siyang sinabi sa amin." Umiiling na sagot ni Suzy kaya napayuko na lang ako.

"Si Yuki at Altaire nasaan?"

"Ahm, ang totoo ay hindi pa namin sila nakikita mula ng dinala ka nila dito at naghabilin si Altaire."

"Unang beses niya kaming kinausap."

"At nagpapasalamat kami dahil nagtitiwala siya sa amin at hindi binura ang mga ala-ala namin tungkol sa lahat ng ito."

"Tingin ko kailangan niyang malaman." Napataas ako ng mukha ng nagsalita si Clint.

"Clint!" Saway ni Suzy sa kanya. Bakit?

"Anong dapat kong malaman?" Isa-isa ko silang tinitignan pero kung hindi sila yumuyuko ay nag-iiwas sila ng tingin. "Sabihin niyo na please."

"Kase Jessica--"

"Clint anu ba! Nagtiwala sa atin si Altaire na hindi sasabihin--"

"Pero kailangan niyang malaman! Tingin niyo anong mararamdaman ni Jessica kapag huli na ang lahat at doon niya pa lang nalaman?!"

"Tama si Clint. Ayoko na ding magsinungaling kay Jessica. Sino bang pinaka nasasaktan sa atin sa mga nangyayare? Diba siya?"

"Jonas . . . " napabuntong hininga na lang si Suzy at tumingin sa akin.

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now