Chapter 3

0 0 0
                                    

Attempt

"Hi!" Bati ko sa camera.

"Look how busy we are," Tumingin sa paligid si Kenan at ngumiti siya sa camera.

I was the one holding the camera here.

"Today is Tita Mina's birthday and we are surprising her!" Sabi ko sa background.

"Ahia! Nag-text si Dad, they'll be here daw in 2-3 hours." Sabi ng kapatid ni Kenan na nakasilip sa pintuan ng kwarto.

She smiled sweetly at the camera, it resembled his brother's smile.

"Hi! Hi, Achi Fyanna!"

She was 15 here, I just turned 20 here at si Kenan ay ganoon din.

Tinulungan ko pa siyang magplano para rito. Mahal niya talaga ang mama nila.

Akmang lalabas ulit ang kapatid niya mula sa kwarto.

"Shobe, why don't you help us here. Para naman mabilis, 'di ba?"

"Ang sungit ng boyfriend mo, Achi." Pang-aasar ng kapatid niya at tumawa kaming pareho. The next clip was a timelapse while we were decorating the room.

"Ahia!! Andyan na sila!!" Natatarantang sigaw ni Stephanie.

"Sinabi ko na kay Dad na i-blindfold niya si mama." Sabi naman Kenan.

Sumandal si Kenan sa balikat ko habang si Steph ang may hawak ng camera. "Thanks for helping, Babe. I love you," Sabi niya at patuloy na ibinaon ang ulo niya sa leeg ko.

"Yuck Ahia! So cheesy!" Anang nakababatang kapatid niya kaya kiniliti siya ni Kenan.

Naging magulo ang kuha ng camera dahil doon, sa background ay maririnig pa ang tawa ko.

Umayos kaming lahat pagbukas ng pinto at pumasok si Tita Mina na naka-blindfold habang inaalalalayan ni Tito Alfred.

"Happy birthday to you..." Kanta namin.

Maluha-luha si Tita at niyakap niya si Steph na hinalikan siya sa pisngi. Kenan went to her Mom and kissed her forehead.

Ako ang may hawak ng camera at nginitian ako ni Tita. Binuksan niya ang mga bisig niya para sa akin at niyakap ako.

Dagdag na naman ang umagang ito sa mga umagang umiiyak ako pagktapos manood ng video namin.

Kailan ba ako huling tumawa at ngumingiti tulad ng sa video na 'yon? Hindi ko na maalala.

Bakit kasi kailangan na mawala si Kenan? Bakit?

Ano bang ginawa kong mali?

Kakatanong sa sarili ko, lumuluha akong naglakad papunta sa banyo para maligo.

Natatandaan ko ang sinabi ng mama ko noon.

Tinanong ko kasi siya noong nanghihina na siya kung bakit kailangan ganoon ang mangyari sa kanya. Umiiyak ako noon nang itanong ko kung masama ba akong bata kaya ganoon ang nangyari sa kanya.

Sinagot niya ako nang nakangiti.

"Hindi mo kasalanan kapag may nawala o kinuha sayo. 'Wag na 'wag mong kwestiyunin ang Diyos dahil lahat ng bagay may dahilan."

Gusto kong pakinggan ang mama ko. Gustong-gusto ko talaga pero hindi ko maiwasan na tanungin kung saan ba ako nagkamali. Ayokong kwestiyunin ang Diyos pero sa tuwing naiisip ko ang pagkawala ni Kenan na biglaan hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Pagdating ko sa trabaho, wala ako sa sarili. Hindi ako umiimik.

"Is my sched free this afternoon?" Tanong ni Sir Blast.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LifelessWhere stories live. Discover now