Nakalimutan Kong Mahal Kita 3

4.7K 40 0
                                    

III.

MABIGAT ang pakiramdam ni Tonette nang muling magkamalay. Animo’y tinutusok ng libu-libong karayom ang kanyang mga kalamnan. Masakit. Mahapdi. Bawat kibot niya’y makirot. Hindi niya rin kaagad maimulat ang talukap ng kanyang mga mata. Feeling niya’y me nakadagan ditong mga bato.

            Pinakiramdaman ng dalaga ang kanyang paligid at wala siyang tanging naririnig kundi ang mabining buga ng hangin sa malapit sa kanya. Hindi man nakikita ay nahulaan niyang galing ‘yon sa aircon dahil sa kumportableng lamig na nararamdaman niya sa kanyang balat na tinatamaan ng hangin at kahit paano’y nagpapabawas sa kirot ng kanyang katawan. Napansin din ng dalaga ang nangingibabaw na amoy ng gamot sa paligid. Nasa ospital siya.

            Sa natuklasang ‘yun ay parang tuksong bumalik sa kanyang alaala ang nakakabinging banggaan ng mga bakal at ang ilang ulit na pag-ikot ng isang dyip bago ito huminto na nakataob. Madaming dugo ang nagtalsikan sa loob ng sasakyan. Lahat ng mga sakay nito maging ang driver ay walang ulirat. At walang babala, sa isang kisapmata ay nakita rin niya ang sarili na isa sa mga pasahero, walang malay at duguan.

Napamulagat Tonette sa naalalang ng trahedyang ‘yun ngunit dagli rin siyang napapikit nang masilaw siya ng liwanag sa kanyang paligid. It took a while bago muling naimulat ng dalaga ang kanyang mga mata at masanay sa ilaw sa loob ng kanyang silid. It took another while, bago niya nagawang ilibot ang kanyang paningin sa kinaroroonan niya na sa una’y pinagdudahan niya ang hinalang nasa hospital siya.

            Ang humantad kasi sa harap ng dalaga ay isang marangyang kuwarto na animo’y apartment dahil kumpleto sa gamit at me sala-salahan pa with sofa and tv set. Me maliit na kusina din na may maliit na lababo, lutuan at ref. Nag-iisa lang ang kanyang higaan na nasa gitnang bahagi ng kuwarto.

            Hindi ganito ang hospital sa pagkakaalam niya unless, kaagad nanasok sa isip niya, nasa private room siya ng isang marangya at pribadong hospital.

            Na-confirm niya ‘yun nang may pumasok sa pinto na doktor at nurse. Meron silang pinag-uusapan kaya hindi nila agad napansin na gising na siya.

            Kitang-kita ni Tonette ang pagkagulat ng dalawa, nahulog pa ng nurse ang hawak nitong medical record, nang makita siyang nakaupo sa kanyang higaan.

Para silang nakakita ng multo.

           

            Ang pangalan ng Doktor ay Dr. Cedric Mijares at Marcy naman ang kasama nitong nurse. Medyo me edad na ang nurse ngunit ang doktor ay halos kasing-edad niya lang ang itsura. Lalaking-lalaki ang pagkaguwapo ng doktor na dala marahil ng pangahin nitong mukha. Ganundin ay hindi naitago ng puti nitong uniporme ang matikas nitong pangangatawan na malamang ay alaga sa workout. Ewan ba ni Tonette, unang kita pa lang ay magaan agad ang loob niya kay Dr. Mijares.

            Maybe it got something to do with the doctor’s sincere concern to her, added with his cheerful and friendly spirit that made Tonette feel that she’s more of a friend than a patient to him. Siguro nga’y bahagi ‘yun ng pagiging doktor nito pero nararamdaman ng dalagang higit pa ‘yun do’n. Napapansin kasi niyang medyo napapatagal ang titig nito sa kanya bagamat kaagad nitong binabawi kapag napapansin niya. Bagay na nagbibigay sa kanya ng magkahalong kaba at kilig na maramdamang may interes ito sa kanya. Hindi naman siguro part ng pagiging doktor nito ang panakaw na titig nito sa kanya.

Nakalimutan Kong Mahal KitaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin