Nakalimutan Kong Mahal Kita 10

2.1K 23 1
                                    

X.

 

            “UPS!” Tumumba ang basong me lamang mango juice sa lamesa. Natalsikan nito ang ilang pagkaing nakahain doon at nagsimulang bumubo ito sa table cloth. Ngunit bago tuluyang naubos ang laman ng baso ay naagapan ito ni Philip at muling naitayo.

            “I-I’m sorry,” ani ng binata kay Tonette at saka tumawag ng waiter na malapit sa kanila.

            Hindi napigilan ng dalagang mapangiti. Paano’y kanina pa ganito ang kasama. Pangatlong baso na ang nasasagi nito’t natutumba. Pamali-mali. Animo’y natataranta.

Dahil sa kanya?!

Hindi bagay sa kakisigan nito.

            Nang kaninang mawala ang hilo niya sa pilit na maalala ang kaibigan niyang nakalibing sa puntod na pinuntahan nila ay nag-suggest si Philip na tutal naman daw ay nasa labas na sila, ba’t di sila mamasyal nang konti.  Baka daw makatulong ito sa pagbabalik ng kanyang alaala.

            “Dadaanan natin saglit ang mga lugar na madalas nating hang-outan dito sa Tagaytay,”  natatandaan niyang sabi nito kanina, “baka sakaling me maalala ka.  But I promise, I’ll never tell you anything.  At pag nahilo ka uli o sumakit ang ulo mo o pakiramdam, iuuwi na kaagad kita sa inyo.  Dadalhin lang kita sa mga ‘yun para mamasyal, sumagap ng sariwang hangin at hopefully… sana, me maalala ka.” 

            “Sana,” narinig ni Tonette ang lihim na kalungkutan ni Philip ng banggitin ang salitang ‘yun.  Halatang nananabik na itong makapiling siya.  Not really siya ngayon kundi ang dating siya.  Me nakapang awa ang dalaga sa di nakikilalang nobyo.

            Tama ang kanyang pamilya, mabait si Philip.  Nawawala lang ‘yun pag kaharap  si Cedrick.  At me punto rin ang nanay niya, dapat niya ring bigyan ng panahon at lugar ang binata.  Sa mga sacrifices nito sa nangyari sa kanya, sa pagkakalimot niya ng kanilang nakaraan at pag-ibig, higit sa lahat sa patuloy nitong pagsuyo sa kanya sa kabila ng kanyang pagbabago at kahit pa dahil ke Cedric – he really deserves it!   

            Kahit pa nga sabihing nananatiling mas matimbang pa rin si Cedric sa kanya kaysa kay Philip, nobyo niya pa rin ang huli. And unless she remembered her past, she can’t choose the doctor over him.

Tama nga kanyang ina, paano siya magmamahal kung hindi niya kilala ang kanyang sarili. Unfair ‘yun hindi lang para kay Philip o Cedric ngunit higit sa lahat sa kanya mismo.  At the moment, she decided na bigyan ng pagkakataon ang hindi nakikilalang kasintahan na muling magkapuwang sa kanyang buhay kahit hindi muna sa kanyang puso. She’s hoping somehow, somewhere, she’ll remember something.

So far, sa maghapon nilang pamamasyal pagkatapos nilang dumalaw saglit sa puntod nang di niya nakikilalang bff, sa mga lugar na madalas nilang puntahan no’n ay tila wala ‘yung epekto sa kanya.

            Oo nga’t hinangaan niya ang magandang tanawin sa isang exclusive club sa high lands sa Tagaytay ngunit hindi ‘yun nagpaalala sa kanya ng anuman. In fact, sa isip niya ay ‘yun ang unang pagkakataon makarating siya doon.

            Ganundin ang naging impresyon niya sa iba pang pinuntahan nila sa Tagaytay,  maging ang pagpunta nila sa kumbento ng Pink Sisters na sinasabi ni Philip na pinaka-paboritong lugar ni Tonette noon dahil sa tahimik at holy ang aura nito ay hindi niya matandaan.

            Oo nga’t totoong maganda’t napaka-holy ang lugar ngunit hindi niya matandaang paborito niya ito. Hindi niya rin maalalang nakapunta na siya doon.

Nakalimutan Kong Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon