Sakto lang

24 0 0
                                    

#48

I'm not the best but I'm totally not the worst. I'm at the middle. For short, average. Sa totoo lang, minsan ang hirap maging sakto lang. Naiisip ko na baka hindi ako pwedeng maging magaling sa isang bagay. Hindi makilala bilang ako at ano-ano pa. Wala masyadong kakaiba sakin. Isa lang akong normal na tao, gumagawa ng mga normal na bagay, sakto lang ang mga grado sa paaralan at sakto lang din ang pamumuhay. Di mayaman pero di rin mahirap. Ayos lang naman sakin ang makabilang sa gitna pero minsan nakakapagod din. Here's some reasons why:

>>> Tayong mga tao, mahilig mangarap. Mataas pa nga lagi. Anong connect nito sa pagiging average? Masyadong mahirap abutin. We all do work on reaching our dreams. And being an average person, having an average skills is not enough. We must be good at doing it, even best. Siguro baka ung iba sa inyo, minumura na ko o tinatama na ko sa isip niyo telling, "walang mahirap sa taong may pangarap.", "Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan", "Try and try ek ek" at kung ano-ano pa. But what can I say? Lahat tayo umaabot sa punto na gusto na nating umayaw. Napapagod. And that's why we get to the point when you're just disappointed to yourself.

>>> If you're still an average student, being able to cope up, takes a little time (sometimes). Yes, we all learn the lesson at the same page but some cannot learn it right away. Lakas makafeeling bobo nito para sakin. Para bang ang slow-slow ko. Ang mahalaga na lang, natuto ka. Di nga lang agad. And when that time comes, I somehow wish na sana ako rin nakakaintindi agad.

Kakayanin lang talaga.

>>> Ang mga taong average, minsan nakakaranas yan ng mataas na expectations sa ibang tao. Basta nakikita nila na nagagawa mo ung isang bagay, tingin nila kaya mo nang gawin ang lahat. Pag sinabi mo namang "luh, hindi no." Hindi sila maniniwala at minsan pa, iniisip na baka pa-humble ka lang. Tapos pag nagsimula ka nang gawin ung bagay na yon at hindi sila nasatisfy, kasalanan mo pa. Tapos ikaw lang ang umako ng lahat. Ouch. Mahirap lang din kasi pati ikaw mismo sa sarili mo, apektado. No choice rin kasi madalas sa buhay, sarili mo na lang din ung maaasahan mo. Kahit papano.

>>> So nabasa ko to kay pareng Google,

"You don’t always get the recognition you deserve. Even when you worked just as hard or harder than someone else, because your output didn’t align, you didn’t get the credit that they did. You were never the example, even though you put in just as much effort (and it’s an unfair truth about the universe you’ve had to learn to accept)."

-Kate Bailey (15 Struggles Only People Who are Average at Everything Understand)

Which I found true also. Ung feeling na nagawa mo ng maayos tapos proud na proud ka pa sa gawa mo plus pinagpuyatan mo pa then biglang ganon na lang. Kulang pa rin pala ung effort na ginawa mo. Sigh.

>>> You don't find yourself attractive in any way. You look to yourself saying, "Oh you're just that average-looking girl trying to fit in with others."

Though may mga taong nagsasabing, "Uy ganda mo", "ang galing mo naman" and stuff, it's just that, you can't see it to yourself! For me, there's nothing special in me at all. 'There are a lot of people way better than me too.'

Advantages naman tayo. Para di naman masyadong OA sa pagiging average person. Haha!

>>> If you're not into getting attention, don't worry! Hindi tayo masyadong pansinin. Minsan nga hindi tayo nahahalata pag wala tayo sa room eh. Only the real friends know.  *winkeu*

>>> You don't get the problems of being "the best" or being "the worst."

>>> You can try a lot of things ng wala masyadong pinoproblema. Yay!

>>> Your ideas are limitless! Chos. Just because you're an average person doesn't mean that you can't think. Most of the time, our ideas are kinda unique and cool! We think a lot of stuffs.

>>> Bilang "Sakto Lang", napakadami pa nating kayang gawin o i-improve pa.

>>> Your friends will love and accept your whole being (for who you really are).

Always remember, walang masama sa pagiging sakto lang, okay? Tanggapin mo lang at magiging ayos ka na. Sabi nga, "What's so bad about being an average person, anyways? You're not the worst. Cheer up!" Lahat tayo dumadaan sa pagiging 'sakto lang.' Malay mo, sa isang punto ng buhay ng ibang tao, naranasan na rin nilang maging average. Hindi naman siguro mawawala yon. May ibang magaling sa ganitong bagay pero sa ganyang bagay, sakto lang. Kailangan lang siguro nating subukan yung makakaya natin. "Try and try until you succeed" ika nga. Paulit-ulit man nating naririnig, nakakapagod man,  pero tama naman, hindi ba? Also, the most important, always pray to God or to whom you believe in.

Maraming Salamat mga ka-munggo!

Mga Utot Ni MunggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon