Mongol 2

20 0 0
                                    

#49 (Short Story)

*Sa Lapizlandia- Ang kaharian ng mga lapis.*


Si Mongol 2 ang pinakasikat na lapis sa kanilang kaharian. Maraming nagkakagusto sa kanya dahil sa mga katangiang taglay niya. Sabi ng mga nakakataas na lapis, taglay niya ang panulat na hindi masyadong malambot at hindi rin masyadong matigas kung kaya't tamang-tama lamang ito bilang panulat. Siya rin ang laging naaatasan tuwing  kinakailangan ang mga lapis. Hindi lingid sa kaalaman ni Mongol 2 ang mga ito pero wala rin naman siyang pakialam kung siya ang pinakasikat, pinakamagaling o may pinakamagandang mga katangian.

Ang nais lamang niya ay maging masaya, tanggapin siya ng mga tao at higit sa lahat, ang mahalin siya pabalik ng pinakamamahal niyang lapis sa kaharian nila na walang iba kundi si Staedtler. Wala itong alam tungkol sa pag-ibig niya dahil isa siyang miyembro sa samahan ng mga torpe. Lels. Sa totoo lang, matalik na magkaibigan silang dalawa ni Staedtler at kilalang-kilala na niya ito. Isa na rin siguro yon sa dahilan kung bakit siya hulog na hulog dito. Pero ang bruha--este si Staedtler, wapakels sa pagmamahal niya. Manhid af ang ate mong lapis. Kaya heto, nagbabalak naman ang koya mo na umamin na kahit pa ata humiling ka sa lahat ng constellations ay walang posibilidad namangyari yon. Eh siguro nasawa sa pagharot ng palihim kaya naisipan ng umamin. Hak.

Nagsimula ng magplano si Mongol 2. Napag-isipan niyang iguhit si Staedtler at iyon ang magsisilbi niyang "singsing" (kung sa mundo ng mga tao) dahil sa kaharian nila, ang pagbibigay ng larawan na iyong ginuhit sa iyong nililigawan/liligawan ay tanda ng sinseridad, pagkilala at lubos na pagmamahal. Kinilig si Mongol 2 ng bahagya ng nabigyan siya ng ideya sa kung anong maaaring mangyari kinabukasan. Oo, bukas na agad kasi atat na siya. I can't fight this feeling anymore na ang peg niya. Pagkatapos magplano ay nag-ayos na agad siya ng sarili para bukas ay konting ayos-ayos na lang at pwede na siyang tumuloy. Maingat niyang tinasahan at nilinis ang sarili. Pinaayos niya na rin ang pambura niya at yun na! Ready to go na ang koya Mongol 2 niyo!

Bago niya pa makalimutan ay nagpadala na rin siya ng sulat kay Staedtler na magkikita sila bukas ng hapon sa harap ng Enchanted Lapis City na isang amusement park sa kaharian nila. Pak! Doon sila madalas na nagpupunta kasama ang kanilang iba pang kaibigan na mga medyo may class pero mukhang plastik. Mga Mechanical Pencil kasi pero kahit papano may breeding, Tropahang Faber-Castell yung mga yon! At may grip pa! So, balik na ulit tayo sa sulat. Sinulat niya rin na silang dalawa lang ung magkikita bukas kaya di na niya kailangan pang mag-abala na abisuhan yung mga plastic, este, Tropang Faber Castell.

Sa wakas ay nahanda na niya ang lahat kaya naman naisipan niya na rin na matulog na. (Di na siya kumain kasi kinakabahan daw siya ih.)

...

Dumating ang kinabukasan at malapit ng magkita ang dalawa. Nakatayo na si Mongol 2 sa nasabi niyang puwesto at unti-unti na rin niyang natatanaw si Staedtler. Napakaganda nito ngayon. Kasingganda rin ng katangian niya. Isip ni Mongol 2. Hindi makalat si Staedtler at napakagandang gumuhit. Hindi man madaling mabura pero napakaganda ng kalooban. Nanilaw naman ng beri light ang mukha ni Mongol 2 pero di niya pinahalata iyon. Nang makaabot sa kanya si Staedtler ay agad niya itong niyaya sa may gilid ng parke kung saan may isang malaking puno. Doon sila nakain at nagpapahinga tuwing napapagod kakalaro at kakaikot sa parke. Sumunod naman si Staedtler sa kanya pero parang nagtataka na ito sa kinikilos niya.

Nang makarating sa puwesto ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Mongol 2. Bahagya siyang yumuko at inabot kay Staedtler ang ginuhit niyang larawan nito. Napaawang ang bibig ni Staedtler at halata sa mata nito na nagulat siya sa nangyari. Alam niya ang ibig sabihin nito pero bumanat pa rin si Mongol 2 para sa kanyang permiso. Inabot niya muna ang larawan kay Staedtler at agad na dumiretso ng tayo.

"Staedtler, alam kong nagulat ka sa mga nangyari pero nais ko lamang sabihin sayo na...*ehem* ak ak *ehem* na, Life without you is like a broken pencil because it would be pointless. I wood you from the bottom of my lead (I love you so much) so, I just want to ask, Can I be the one to erase your past and write your...our future? "

"Ano..Mongol 2, alam mo naman na magkaibigan tayo diba?--"

Bahagya ng gumuho ang mundo ni Mongol 2.

"At mahal din kita--"

Emeged. Medyo nabuhayan siya ulit ng loob.

"As a friend..."

Pakshet. Curse you Perry the Platypus!!!

"Atsaka Mongol 2, may..may nilalaman na ung puso ko. May mahal na kong iba. Pasensya ka na."

K.O! DOUBLE DEAD!!!

"S-Sino?"

Naglakas loob pa ang koya niyo Mongol na magtanong kung sino para alam niya kung sino ang matatasahan niya!

"S-si..Si Faber Castell."

Pusang gala ni aleng bebang! Sa dami ng lapis bakit sa Faber pa talaga?!

"Di ba lagi kayong magkaaway? Paanong..."

At naisip niya na yun ang paraan nila ng paghaharutan.

Dun na natapos ang masaklap na kwento ni Mongol 2. Ayaw niya na raw alalahanin ung mga sumunod pang pangyayari.

Patunay lamang ng kwento ni Mongol 2 na, hindi porque magaling ka, maraming nagkakagusto sayo at napakaganda ng katangian mo ay magugustuhan kang pabalik ng taong mahal mo. Yung mga katulad mo raw kasi, pangkaibigan lang. Chos! Wag bitter! Hak hak.



Sabi nga ni Daniel Padilla sa commercial ng Nescafe Creamy White,


"Tinanggal namin yung pait para makabangon sa buhay."


HAHAHAHAHA!


IDEA FOR THIS PART:

"If the no. 2 pencil is the most popular, why is it still #2?"


Want to suggest some ideas for parts like this? Comment your ideas below! Chos.

VOTE ¤ COMMENT ¤ FOLLOW ¤ SHARE!

Mga Utot Ni MunggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon