Wakas

1.6K 51 36
                                    

Sherlyn Castañeda:

Inunblock na rin kita.

Byron Daddario:

She, sorry sa lahat.
Ikaw talaga ang mahal ko.
Nasa kay Garnet na ang
lahat nang gusto ko sa babae.
Pero hindi ko pa rin talaga
mapigilan ang nararamdaman
ko.

Sherlyn Castañeda:

Bakit mo ako niloko noon?

Byron Daddario:

Akala ko kasi nakakasakal
mga ginagawa mo sa'kin.
'Yong pagsita sa paniniga-
rilyo ko. Sa pagmumura at
kung ano ano pang masamang
gawain. Pero no'ng naghiwa-
lay tayo. Hinanap ko 'yon.
Hinanap kita. Hindi ko lang
masabi dahil ayokong matapakan
ang pride ko. Pero mas matimbang
pala ang love kaysa pride.

Sherlyn Castañeda:

Pero nasasaktan si Garnet.
Kaibigan ko na siya, at hindi
ko kayang makita siyang nasa-
saktan.

Byron Daddario:

Alam ko. Alam ko.
Bago ko ginawa 'to,
nagusap na muna kaming
dalawa. Naiintindihan
niya. Ang sabi niya,
mas maganda na raw 'yon
kaysa sa manatili ako
sa kanya pero iba naman
ang mahal ko.

Sherlyn Castañeda:

Mali pa rin 'to, By.

Byron Daddario:

Damn it!
Lahat nalang ba mali?
Lahat nalang ba bawal?

Sherlyn Castañeda:

By...

Byron Daddario:

Pag bigyan mo naman ang
puso mo. Alam kong mahal
mo pa ako. Nararamdaman
ko 'yon kaya 'wag mong
pigilan.

Sherlyn Castañeda:

Kahit anong gawin kong
iwasan 'yon. Hindi ko talaga
kaya.

Byron Daddario:

Parehas lang tayo, She.
Hindi ko rin maiwasan
ang feelings ko. Kaya
kahit mali o tama, susugal
ako.

I love you!

Sherlyn Castañeda:

I love you, my Ex.

Hi, Ex (Hi Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon