CHAPTER 4

7.6K 160 5
                                    



         Alas tres pa lang ng madaling-araw kaya napakalamig sa Baguio. Tumatagos ang lamig sa suot na puting long-sleeved shirt ni Sky. Giniginaw na humalukipkip siya at humikab bago sumandal sa hood ng kotseng dala ni Boyet. Papunta siya ngayon sa Sagada upang makilala ang tunay na ama at lolo niya. Si Boyet ang tauhang ipinadala ng Lolo Alfonso niya upang sumundo sa kanya mula rito sa hotel na tinuluyan nila ni Pierce pagdating nila rito sa Baguio kagabi.

Magkatulong na isinasakay nina Pierce at Boyet ang mga gamit niya sa trunk ng kotse. At nauulinigan niya ang pag-i-interview slash pagbibilin with a hint of pagbabanta ni Pierce kay Boyet. Kailangan raw siguraduhin ni Boyet na ligtas silang makakarating sa Sagada dahil kung hindi ay ipapahanap diumano ni Pierce pati kaapu-apuhan ni Boyet at sisingilin ang mga iyon kapag may nangyari hindi maganda sa kanya sa biyahe nila. Napahalakhak naman si Boyet na kanina pa aliw na aliw at bilib na bilib sa pagsasalita ng diretsong Tagalog ni Pierce. Akala siguro ni Boyet ay nagbibiro lang si Pierce. Pero alam ni Sky, may bahid ng katotohanan ang sinasabi ni Pierce kay Boyet.

Kawawang Boyet. Ayon dito ay boy ito ng mga Banal. Pero dahil marami silang magkakapatid na kailangang sunduin ng drivers ng lolo nila, pati si Boyet ay nautusan na ring sumundo sa isa sa kanila. Ang malas ni Boyet at siya ang naiatas na sunduin nito. Dahil tuloy sa kanya ay nakaharap nito si Pierce.

"Do not, under any condition, forget what I said, Boyet. Mag-iingat ka sa pagmamaneho mo, huwag mong bibilisan ang pagpapatakbo," mariing giit muli ni Pierce kay Boyet.

"Opo, Sir Pierce, mag-iingat po ako," tango ni Boyet.

Tila nahimasmasan naman na si Boyet sa pagka-aliw nito kay Pierce. At ngayon ay tila kinakabahang panay na ang pagtango at pag-

opo sa bawat bilin ni Pierce.

Eksasperadong napailing-iling na lang si Sky sa kapraningan ni Pierce. Umaalagwa na naman ang pagka-overprotective ng binata. Gusto pa nga sana nito ay ito na mismo ang maghatid sa kanya sa mansyon ng mga Banal. Pero hindi na siya pumayag.

Nauunawaan naman ni Pierce ang kagustuhan ni Sky na harapin at kilalanin nang siya lang mag-isa ang tunay na pamilya niya. Bagaman maya't maya naman ang mga paalala at pagbibilin nito mula pa kagabing nasa biyahe sila papunta rito sa Baguio. Ang plano ni Pierce, habang nasa Sagada siya ay mananatili naman ito sa Baguio ng ilang linggo. Bibisitahin raw nito si Kellan Connoly, ang Irish na kaibigan nito na may bahay roon.

Matapos isakay ni Pierce sa trunk ng kotse ang huling suitcase niya ay lumapit ito sa kanya.

"Here, take this," anito saka iniabot sa kanya ang isang bagong cellphone. "Nasa backpack mo na ang charger niyan."

"Ano ito?" nagtatakang untag ni Sky sa binata.

Umarko ang mga kilay ni Pierce.

"I'm quite sure it's a cellphone, Sky. But you can call it something else if you want," may bahid ng sarkasmong tugon nito.

"Haha, komedyante ka, Pierce, talagang nakakatawa. Ibig kong sabihin aanhin ko pa ito eh may cellphone na ako," aniya na itinuro pa rito ang cellphone niya na nakaumbok sa bulsa ng jeans na suot niya.

"Right. At pang-ilang cellphone mo na nga ulit iyan ngayong taon, Sky? Let me see, pangalawang bili mo na iyan ngayong taon, di ba? At February pa lang. Kaya natitiyak kong bago matapos ang buwan na ito ay nabitawan, naibagsak, natabig o nailublob mo na naman sa toilet bowl ang cellphone na iyan. Sakaling masira mo na naman ang cellphone mo habang naroon ka sa Sagada, hindi ka na mahihirapan pang maghanap ng mabibilhan doon. Hayan na, may nakahanda ka nang isa pang maggagamit. Naka-save na ang number ko diyan."

Barely Heiresses- SkyWhere stories live. Discover now