Chapter Twenty Four

683K 13.5K 1.2K
                                    

TWENTY FOUR

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Sabi ko naman sa'yo umuwi ka muna. Kakagaling lang natin sa rancho pero dito ka agad dumiretso sa apartment ko." Sabi ko sa kanya. Marahan kong hinawi ang buhok niya. Dito kasi kami agad dumiretso sa apartment ko pagkagaling namin sa rancho at nahiga agad sa kama ko sa sobrang pagod. Pasado ala-siyete na rin kasi ng gabi kami nakauwi mula sa rancho.

"Ayoko 'dun, wala ka naman. Hindi kita makikita." Sabi niya habang nakapikit pa at yakap ang unan na lagi kong ginagamit.

"Ang kulit mo naman."

"Ayoko nga kasi 'dun, wala ka." Sabi pa niya. Huminga muna ako ng malalim.

"Gusto mo bang dito ka na lang matulog? Wala pa namang pasok bukas at sa susunod pa." Sabi ko sa kanya.

"Oo, gusto ko katabi lang kita." Sabi niya na parang bata.

"Hindi naman ako aalis, baka ikaw nga 'yung umalis." Sabi ko sa kanya. Nakapagpalit na ako ng damit pambahay pero siya hindi pa. Hinubad niya lang 'yung sapatos niyang suot at nahiga agad.

"Hindi ako aalis, dito lang ako. Hug mo ako." Sabi niya.

"Para kang sira Montemayor." Natatawa kong sabi sa kanya. Nagdilat na siya ng mata at tumingin sa akin ng nakangiti.

"Hug lang psh."

"Para ka kasing bata! Umayos ka nga." Sabi ko sa kanya. Sumimangot lang siya kaya hindi ko napigilang hindi pisilin ng mahina ang pisngi niya.

"Ikaw pa nga lang 'yung babaeng kinalolokohan ko ng ganito tapos hug lang nagdadamot ka. Hindi mo naman ata ako love." Sabi niya na parang five years old na nagtatampo sa mommy niya. Kapag hindi talaga siya tumigil sa kakaganyan niya, papatulan ko siya!

"Sure ba 'yan?" Tanong ko. Tumalikod siya sa akin at niyakap ang unan ko.

"Ayoko sa'yo! Hindi mo ako love." Sabi pa niya.

"Para ka talagang sira sa kakaganyan mo Montemayor." Natatawa kong sabi.

"Tatawa-tawa ka pa diyan. Sa'yo nga lang ako nagkakaganito tapos tatawanan mo ako. Tapos hug lang ayaw mo pang ibigay!" Maktol pa niya. Natawa ako lalo sa sinabi niya.

"Ang baho kasi ng damit mo, amoy lalaki." Sabi ko sa kanya. Bigla naman akong nagulat ng umupo siya sa kama at hinubad ang suot niyang damit at tsaka ulit humiga at humarap sa akin.

"O ayan, wala na akong damit! Hug mo na ako." Sabi niya. Napangiti ako ng wala sa oras. Mahina ko siyang hinampas sa matigas niyang dibdib na ngayon ay lantad na sa harap ko.

"Sinabi ko bang maghubad ka? Kahit kaylan ka talaga."

"Sabi mo mabaho damit ko kaya ayaw mo akong i-hug. O ayan na, wala na akong damit! Hug mo na nga ako." Nagmamakaawa niyang sabi sa akin. Naka-indian sit kasi ako sa kama ko at siya naman nakahiga.

"Bakit ba gusto mong i-hug kita? Hindi ka pa ba kuntento diyan sa unan ko?" Tanong ko sa kanya.

"Naman Raisse! Gusto ko 'yung tunay 'yung yayakapin ko." Lalo akong natawa sa pagsimangot ng mukha niya.

"Ayoko na sa'yo!" Sabi niya at tsaka ulit tumalikod sa akin. Mas lalo akong napangiti sa pagtatampo niya kaya walang sabi sabi kong niyakap siya mula sa likod.

I felt him stiffened and a smile formed in my face. I could feel the heat from his naked body and I could feel his heartbeat. He suddenly turned himself to me and face me with a smile on his face.

"I love you." He said without any hesitations, without any doubts.

"I love you too." I said. Yes, I should admit it. He deserve to be love. He deserve me.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon