Chapter 1

551 18 12
                                    

Lost Girl


"Ayan! mukhang okay na lahat ng gamit mo beshie." Masiglang wika ni Aly, bestfriend ko. Nginitian ko lang siya.

"Bakit naman kasi wednesday ka lumipat ng bahay? Tignan mo ang hassle tuloy kasi imbis na magpahinga ka after mag-ayos, maiistress ka pa rin kasi may pasok bukas." nag aalalang sabi niya.

Umiling ako. Okay lang naman kahit weekday e. "Don't worry, Aly. I can manage. Okay lang yun 'no." wika ko at nginitian si Aly.

Kaya rin pinili kong lumipat ngayon at hindi weekend ay dahil para di na ako ihahatid ni mommy. May pasok din kasi si mommy sa office niya.

Baka kasi hanggang sa byahe namin papunta rito, mag away pa kami ni mommy.

"Pero okay na rin yun kasi magkapitbahay na tayo ngayon!" bakas ang excitement sa tono ng pananalita ni Aly.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang cute talaga nitong kaibigan kong 'to. "Bago mapahaba yung daldalan natin, I think oras na para magdinner tayo. Sa labas na lang?" tanong ko.

"Okay lang sa labas as long as treat mo. Hihi" wika niya at nagpacute.

"Makatatanggi pa ba ako? Kaya halika na bago pa magbago isip ko." hinila ko na siya palabas ng bahay at dumiretso na kami sa kotse ko.

----

"Mamsh look at that guy sitting beside us. Wag ka papahalata ha. Ang gwapooo!" sabi niya habang kumakain kami. Ito talaga, malakas ang radar sa mga gwapong lalaki.

"Mas importante ang pagkain ko kaysa tignan yung lalaking tinutukoy mo." sinimulan ko na ulit kumain. Grabe feeling ko hindi ako nakakain ng isang araw. Nakakapagod pala talaga ang mag ayos ng bahay ano?

"Pero mamsh just look. Siya yung sinasabi ko sayong crush ko since then. Hihi. Yung nagligtas sa akin sa bola noon." she said na tila nagfafangirl. You can really see the sparkle in her eyes.

Dahil naging curious na rin ako, I carefully turned my sight to the guy na tinutukoy ni Aly. Nung nakita ko na nang maayos yung itsura niya, humarap na ulit ako kay Aly. She really looked like a fangirl na nakita ang idol niya.

"Heyyy.." I tried to get her attention ngunit parang wala akong kausap at wala siyang kasama. Jusko. Ganito ba kapag may gustong tao?

"I think your crush will freak out when he notice that you're looking at him while blushing. Kung kanina ka pa nakatitig sa kanya, makakaramdam yan. And I don't think you can handle the embarrassment kapag nahuli ka niyang nakatingin sa kanya with that expression." bulong ko at fortunately, nakuha ko na ang atensyon niya. She mouthed the words 'you think so?' and I nodded.

Sino bang hindi magfi-freak out kapag may nakatitig sayo tas parang dreamy pa yung itsura. Yikes.

Dali-dali siyang umayos ng upo at inayos ang sarili. Hindi ko naman siya mahuhusgahan kung patay na patay na siya sa crush niya but kailangan niyang magpigil. Baka mabisto ng wala sa oras.

"But admit it, he's really handsome diba? Gwapo na nga, mabait pa. Kaya ang daming naghahabol sa kanya e" bulong ni Aly. Kinakailangan talaga naming magbulungan dahil halos isang table lang ang pagitan namin at nung crush niya.

"Yes I admit. Okay, nagbago na ang taste mo sa mga lalaki, finally" biro ko at natawa. Nagpout naman siya at sinimulan nang kumain ng pizza.

"You think magiging payapa na buhay ko ngayong wala na ako sa bahay namin?" bigla kong tanong kay Aly. Tinignan naman niya ako at tumango.

Should I Take The Risk? (On revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon