Chapter 5

258 14 1
                                    

Protect

Nagising ako dahil sa naramdaman kong paggalaw sa tabi ko. I wasn't surprised na nasa ospital ako ngayon dahil ang huling natatandaan ko ay nag pass out ako.

"Thank God you're already awake. Gosh beshy kinabahan ako!" ani Aly at niyakap ako. I just smiled at her.

"Ilang oras akong tulog?" tanong ko sa kanya. Inalalayan niya naman akong umupo nang maayos sa kama.

"Halos limang oras. Gusto mo na bang magdinner? Ang sabi kasi ng doctor, kailangan mong mabawi yung lakas mo. Ano ba talagang nangyari sayo beshy?" Nag-aalalang tanong ni Aly.

I was diagnosed with VSD since I was born. And fortunately, kusang nagsara ang butas sa puso ko nung 7 or 8 years old ako. Pero ang laging advice ng doctor ko ay mag-ingat kasi hindi malakas ang puso ko. Dati mild na pananakit lang naman ng dibdib nararamdaman ko pero after ng aksidente, parang mas lumala ang sakit, hanggang ngayon. Recently, madalas akong makaramdam ng pagkahilo or worse.. muntik nang mahimatay. Kanina lang talaga yung natuluyan.

I just hope hindi gaanong malala yung condition ko.

"I don't know. Wala bang sinabi yung doctor sayo?" nagtatakang tanong ko. Diba dapat alam niya yung kalagayan ko? Since siya ang kasama ko?

She awkwardly smiled. "Ano kasi.. sa sobrang panic ko kanina tinawagan ko si Kristian.. tapos siya nagsabi na dalhin ka sa ospital na 'to. E mommy niya pala yung doctor. So ayun, sa kanya sinabi yung kalagayan mo since umalis ako kanina para bumili ng pagkain." Aniya. Tumango na lamang ako. Inabala na naman namin si Kristian.

"Nasaan siya ngayon?" tanong ko nang mapagtantong wala siya rito.

"Di pa siya bumabalik e. Siguro sinamahan na rin niya mommy niyang magdinner." sagot niya at sinimulan na niyang tanggalin ang balot ng binili niyang pagkain.

"Maiba ako, ano bang nangyari sa bahay ni tita at bigla kang nagkaganyan?" bakas ang pag-aalala sa tono ni Aly. Agad kong naalala kung ano ngang mga sinabi ni mommy at kung ano rin ang nasabi ko. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa naalala.

"Ayun. Galit na galit siya kasi nga masisira yung image ng Montrey dahil sa akin. Marami pa siyang sinabi e. Pero di pa ba ako masasanay?" I faked a laugh to lighten the mood.

"Kaso nasagot ko kasi si mommy kanina dahil di na ako nakapagtimpi. Kaya ayun, nasampal ako. That was the first time. I never thought she can hurt me physically pero baka dahil sa galit kaya niya nagawa yun." dagdag ko. Nagulat na lang ako nang yakapin ako ni Aly.

"Tahan na beshy. Wag ka na maging sad, okay?" aniya habang yakap-yakap ako. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

----

Kanina pa nagpaalam si Aly na uuwi muna siya para magpalit ng damit at magpahinga dahil may pasok pa bukas pero hanggang ngayon hindi pa ako makatulog. It's midnight already. Kanina ko pa hinihintay na dumating si Kristian pero hindi rin siya dumating. Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung anong nangyari bakit ako nahimatay.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig sa kisame.

Kailan kami magiging okay ni mommy? Nakakasawa na rin 'tong puro kami away. Napapagod na ako. Kaya pinili kong lumipat na ng bahay dahil para mabawasan yung pag-aaway namin pero bakit parang mas lumala?

Dad, I'm sorry kung nakita mo kung paano ko sagutin si mommy. I just can't help it. Dad walang nagtatanggol sa akin. Ang hirap-hirap na.

I took a deep breath para mapigilan ang pag-iyak. Binuksan ko na lamang ang phone ko para magscroll sa mga accounts ko at para na rin antukin ako.

Should I Take The Risk? (On revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon