File #3: Hypothesis

24 3 3
                                    

File #3: Hypothesis

        Nasa isang kwarto sila sa ISRI at tinatanong na naman ni Kyle si MM. “How can you say that it’s not murder?” medyo napalakas ang boses niya sa pagtatanong. “Unless you plot it all!” at hinampas ng binata ang lamesang puti.

    “Are you accusing me?” taas kilay na tanong ni MM na naka-cross arms at nakaupo sa isang steel chair. “Mr. Kenzie sinasabi ko lang sayo kung ano ang opinyon ko, hindi purkit sasabihin kong suicide yun ay ako na ang murderer!” napasigaw din na sabi ni MM.

    “Ok but how can you tell that nothing is missing? Do you had eidetic memory too?” isa pang tanong ng detective sa kanya.

    “I don’t have, pero sapat na yung mga natatandaan ko para malaman na walang nawawala sa lab. Tsaka Mr. Detective wala akong motibong patayin si Doctor Agoncillio.” Deretsong sagot ni MM at wala man lang bakas ng pagkanerbiyos dito. Ayaw paniwalaan ni Kyle si MM pero hindi rin naman tama na pagdudahan niya ito dahil kulang sila sa ebidensya.

        Ayon sa security guard ng apartment building na inuupahan ni MM ay alas dose pa lang ng gabi ay nandoon na ang dalaga, kahit sa survailance camera ay nakita din na hindi na ito lumabas pa ng apartment niya. Gusto na rin sana niyang maglabas ng search warrant para sa tinutuluyan ni MM kung dumaan ba ito sa bintana o kung saan man maliban sa pinto. Ang problema ay nasa twelfth floor ang apartment ng dalaga at wala namang fire exit na hagdanan na malapit sa bahay nito.

        Umupo na lang din si Kyle sa katapat na steel chair ni MM at huminga ng malalim. “How sure are you that it wasn’t a murder?” mas kalmadong tanong ng detective sa kausap.

    “Hindi ko alam kung ano ang nire-research ni Doc Agoncillio pero puro bato lang kinukuha niyang samples. At yung mga batong yoon ay wala naman espesyal bukod sa pagiging meteorite nito, kaya ang masasabi ko ay wala namang masama sa sinisiyasat niya.” Paliwanag ng dalaga, kahit hindi pa regular sa ISRI at makakaramdam ka na ng propesyonal na aura sa kanya. “Kung Robotics Department pa kami maniniwala ako na murder yan dahil sa mga weapons at machine na pwede pagkakitaan at gawing bio weapon sa giyera. Pero Evolution Department kami, bukod sa pagtuklas sa mga buto ng dinosaurs at mga pinagmulan ng mga iba’t ibang species ay wala nalemang mapagkakakitaan samin, makatanggap ng rewards pwede pa.” dagdag pa niya sa eksplenasyon niya.

    “So we can assume its suicide? But we don’t even have a single clue or even a letter.”

    “It’s up to you, kulang din naman kayo ng ebidensya, at tsaka hindi lang naman suicidal note ang kailangan para sa suicide.” Sagot ni MM.

    “And how about what you said? About he died with his research?”

    “If some underground people are involve then it might be about his research.”

    “Teka ang gulo mo!” sabi ni Kyle at nagbigay pa ng stop sign gamit ang kamay. “Sabi mo suicide dahil wala namang mahalaga na pwede ibenta ang research niya, pero ngayon sasabihin mo na pwede ng may involve na underground gangs? Hindi ata stable ang statement mo Miss Alejandro.” Muli na naman ang pagdududa sa tono ng FBI agent.

    “Hindi statement yun Mr. Kenzie, I told you it’s just my opinion. I’m helping you to solve this case and right now I’m giving you the possibilities of what might happened.” Depensa naman ni MM sa sarili, nag-roll eyes ito at halata ang inis sa mukha. Pero inis na rin naman si Kyle dahil parang ginugulo lang ng doctor na kausap ang utak niya. Nawawala din ang pagiging propesyonal niya sa trabaho, at halos gusto na niya itong makulong kahit mali man iyon.

        Tumingin na lang sa ibang direksyon si Kyle para hindi maipakita ang inis. “Continue.” Ang tanging saad niya.

    “Kung may underground transactions man na kaugnay si Doc Agoncillio, same ang kalalabasan. He’ll still commit suicide, why? Because he might change his mind about giving the information to someone or the result of the research is not acceptable.” Kung papakinggan ay parang nagpre-present siya ng isa sa kanyang mga research projects, ang kulang na lang ay power point at isang matamis na ngiti. “Among those two reasons the only thing he would do is suicide, why? Cause he has eidetic memory, he can redo the whole research again. From the ast important to the very important detail without leaving anything.” Saad ng dalaga.

    “He’s not dumb Miss Alejandro, he’s a scientist. He can change anything if he’ll do the research again.”

    “You’re right he’s not dumb, that is why he commited suicide. Uso na ang truth serum Mr. FBI agent.” ngumiti ang dalaga ng may pang-asar at diniinan pa ang mga huling kataga nito. Kung hindi lang scientist ang babaeng ito ay pwede na itong sumali sa FBI dahil sa magaling at mabilis na pag-iisip nito ng mga pwedeng mangyari.

    “Hypothesis pa rin ang mga yan, pero may mga punto. Kaya Miss Alejandro please tell us kung anong research ang meron siya para malaman nga natin kung totoo ang mga iyan.” Saad niyang muli.

   “I told, I don’t know.” Inis na sabi ni MM dahil paulit-ulit na sila ng binata sa tanong.

   “Don’t worry Alejandro you’ll find out soon.” At napalingon sila sa pinto at nakita ang isang lalaking naka-wheel chair. Hindi nila namalayan ang pagbukas ng pinto dahil sobrang occupied ang pag-iisip nila paras a theories ukol sa kaso ng namayapang doctor.

    “Chief Caito!” sabi ni Kyle at nilapitan niya ito. “Nandyan po pala kayo. Alam niyo nap o ba ang nire-research ni Doc Agoncillio?”

        Humalakhak ang lalaking may pinakamataas na posisyon sa ISRI. “Detective Kenzie hindi ako ang may alam kundi si Miss Alejandro.” At inilahad ang kamay sa direksyon ni MM. Parehas na nagtaka ang dalawa at nagkatinginan na lamang.

    “Sir she just said that she really don’t know a thing about that.” Sabi niya sa matanda.

    “She did trust me.” At tumingin sila muli kay MM na nakaupo pa rin sa steel chair. “She’s the intern right? She’ll just do what Giorgio was doing.” At nginitian sila nito ng makahulugang ngiti.

        Tumingin sila kay Mary Mikhail Alejandro na ang mismong mukha ay di na maipinta dahil sa sinabi ni Chief Caito na pabor?

©2014chibineko26

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Are You an Alien?Where stories live. Discover now