Kabanata 2

2 0 0
                                    


GEM P.O.V

Papasok nako sa gate ng aming paaralan nang makita ko si Feith.

"Feya...san ka pupunta? wala na bang klase?" Tanong ko ng magkalapit kami.

Nag-angat sya ng tingin at umiling.

Teka umiyak ba sya?

"Feya...may nangayari ba?" Nag-aalalang tanong ko. "Umiyak kaba?" dagdag ko.

Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita "Break na kami ni Xy..."

"Ano?!"

"Maglinis ka muna ng tenga bago ka makipag-usap sakin para di tayo paulit-ulit." damang dama ko ang galit sa pananalita nya.

"I mean why? What happened?" pagpoprotesta ko."Third party?" dagdag ko at tinitigan naman ako ng masama.

"I don't know... I really don't know his reason to do that...to be like that!" halos pabulong nalang nyang tugon habang umiiling.

Ang luhang nagbabadya ay bumuhos na, tila nagpapaunahan sa pagpatak. Wala kang ibang mababasa sa mga mata nya kundi sakit...panghihinayang.

Sa dalawang taong relasyon nila ay saksi ako sa nararamdaman ni Feya. Kilig, saya, selos, lungkot, tampo, galit at sakit.
Mga emosyong sa isang tao lang nya naranasan at hindi ko alam kung ganun din ba ang nararamdaman ni Xymon sa bespren ko. Maaaring tumagal nga ng taon eh, hindi lang isa...dalawa pa. Pero nasasaktan ako sa sitwasyon ni Feya ngayon.

Pinunasan nya ang kanyang luha sa pisngi bago ngumiti at aktong hahakbang na agad kong napigilan.

"San ka pupunta?" hawak ko ang kanang braso nya.

"Gusto kong mapag-isa"

"Gusto mo bang samahan kita?"

"Nasaan ang gusto ko ng kasama sa salitang...Gusto kong MAPAG-ISA" aniya ng may pagdidiin sa huling salitang sinabi nya.

"Nag-aalala lang naman ako, ang sungit mo! Brokenhearted!"

"Ipamukha mo pa"

"hehe. biro lang" sabi ko  habang naka peace sign.

"Alis nako"

"Huh? Aalis kana?"

"Uulitin ko paba?"pagsusungit nya "Pumasok kana." dagdag nya.

"Hindi mo ba talaga alam kung ba't sya nakipag-break?"

"Kung alam ko, hindi mo na uulitin ang tanong nayan, dahil sinagot ko na sa unang pagkakataong tinanong mo yan."

"Alis nako."

"Saan ka pupunta?"

"Sa lugar kung saan nag-umpisa ang Start"

Ano daw? Ang gulo kausap. Sasapakin koto!

"Wala ka na mang gagawing kakaiba, hindi ba?" pangungumpirma ko.

Tumingin muna sya sakin ng may pagkamangha, na para bang may kamangha-mangha sa sinabi ko.

"Kaya ko ang sarili ko."aniya."Kung gusto ko ng kausap wala akong ibang tatawagin kundi---"

"AKO syempre. Ako lang naman ang kaibigan mo!" pagtutuloy ko sa sasabihin nya.

"Yung aso ko...sya ang tatawagin ko." aniya ng may pagngisi."At sino naman nagsabi sayong ikaw lang kaibigan ko?!"
 
Epal talaga! Epal Epal Epal. Hays!!

"Ewan ko sayo F.O na tayo!" usal ko.

"If you want to. Then I give it to you."

Hays. Really?! Sinasabi mo sakin yan? nakakainis ka! >____<

"I-ingat ka" usal ko at tinalikudan na ito. Mabilis akong naglakad papasok.

Nakakainis!

"Umiiyak kaba? Nagbibiro lang ako!" aniya ng hinahabol ako.

Suminghot muna ko bago sya tingnan.

"Ewan ko sayo! BrokenHearted!" Sigaw ko. Mabilis pa din ang paglalakad ko.

"Anong sabi mo?!"

"Maglinis ka muna ng tenga bago ka makipag-usap sakin para di tayo paulit-ulit." pang-gagaya ko.

"Tss. Isip bata. Sige na mauna nako"

"Ingat ka"

"Maingat ako...sila ang mag-ingat sakin" aniya at naglakad na palabas ng gate.

Hays. Paano ko sya mako-comfort kung ganyan sya? Gusto ko syang samahan pero kapag sinabi nyang gusto nyang mapag-isa. Seryoso sya.

Hindi nako pumasok sa unang subject dahil limang minuto nalang ay tapos na ito. Natapos ang buong maghapon ay lutang ako... Iniisip ko padin si Feith. Si Xymon? Bakit? Anong dahilan nya ? Everything seems fine and perfect kapag magkasama sila. Halos lahat naiinggit sa relasyon nila.

Ring.Ring.Ring......

Tita Mely Calling

"Good evening iha. Kasama mo ba si Feith?"

Asan ang babaeng yun?! 7:00 pm na. at 8:55 kami saktong naghiwalay kanina.

"Ah...eh...T-tita..."

"Gemini Kez?" aniya ng may pagbabanta. "Hindi mo sya kasama?!" pangungumpirma nya.

"O-opo tita...P-pasensya na po"

"Oh my God. Where is she?" nag-aalalang sabi nya.

Dreaming of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon