Kabanata 10

1 0 0
                                    

Kabanata 10

Xymon P.O.V

[Flashback]

"Mahal kita...mahal na mahal kita" aniya at biglang bumuhos ang luhang kanina pa yata nagbabadyang tumulo. "Pero di ko akalaing may mamahalin pako bukod sayo na mas mahihigitan pa yung pagmamahal na naibigay ko sayo. Oo, palagi akong nandoon kung nasaan ka...pero lumuhod ba ko? Para magmakaawang bumalik ka? Ngayon sabihin mo sa akin kung paano mo masasabing desperada ako sa ginawa ko?" pagpapatuloy nya at nagpunas ng luha.

Sorry Fei...naging mahina ako sa mga naging desisyon ko noon. Naging makasarili ako hindi ko inisip kung ano ang mararamdaman mo. Mas inisip ko ang pangangailangan ng pamilya ko kesa sa nararamdaman ko.

"Sa dalawang taon Xymon...may araw ba na minahal mo ako? May araw ba na gusto mo ang ginagawa mo? Dahil iyon talaga ang nararamdaman mo?"

Ayoko ng magsinungaling sa babaeng mahal ko...pero alam ko na rin na wala ng mangyayari kahit magsabi ako ng totoo. Sobra-sobra na yung ginawa ko sa kanya. Kahit ngayon lang magpapakatotoo na ako sa sarili ko.

"Oo Fei...halos araw-araw pero kailangan kong ipagsantabi iyon dahil may kailangan ako. Kailangan ng pamilya ko."

"Alam mo ba yung araw na nakipagbreak ka ay halos isumpa ko na? Pero narealized ko na dapat kong ipagpasalamat yung araw na nangyari iyon dahil natagpuan ko ang lalaking mamahalin ako ng sobra." Aniya at ngumiti.

[End of Flashback]

Siguro karma ko narin ito. Masakit man kailangan ko na lang maging masaya para kay Feith...para sa kanila.

"Daddy, nandito ba talaga si Ellardy?"

"Hindi pa ba kayo nagkikita?" takang tanong ng kanyang Ama. "Ang akala ko'y nagkita na kayo dahil pinadiretso ko sya sa garden kung saan ka naroroon." dagdag pa nito.

"Oh my God. Narinig nya kaya?"

Narinig nga kaya nya? Ang tanong lahat ba?

*Tententenenentenenentenennenen*

Ringtone yan wag kayo dyan.

"Hello. Ah yes. Speaking. Where? Thankyou" at ibinaba ang kanyang cellphone.

"Iha, si Ellardy naaksidente. Let's go!" Tarantang sabi ng Daddy nya.

"Oh my god. What happened Dad? A-asan daw sya?"

"I don't know what's the exact reason."

"Nasaan daw?"

"Hospital. Follow me."

At tuluyan na silang umalis. I'm really sorry Fei. I hope maging ayos na sya at maging masaya kayo.

Feith P.O.V

"Nurse? Ellardy Martinez po nasaan ang room nya?"

"Nasa Emergency po ma'am"

Ganun kalala ang nangyari sa kanya? At kailangan nandun sya? Nagmamadali kong tinahak ang emergency room ng hospital. Sa pagaalala ko'y pati ang pagpapasalamat ay hindi ko na nagawa. Kahit si Daddy ay naiwan ko sa parking lot. Susunod naman iyon.

*EMERGENCY ROOM*

"Doc, kamusta po yung pasyente?"

"Sumasailalim pa sya sa isang test dahil malala ang tama ng kaniyang ulo."

"Ano po ba ang nangyari?"

"Car Accident base sa nagdala sa kanya rito. But we'll do our best to save him."

"Thanks Do--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pagtawag ng isang nurse sa doctor. Nataranta ako bigla at walang nagawa kundi silipin kung ano ang nangyayari sa loob. Tumulo ang luha ko ng masilayan ang monitor na flat line na ito...hindi ito maaari.

May nilagay sila sa dibdib ni Ellardy na kung hindi ako nagkakamali ay isang defibrillator paraan mapabalik ang heart beat ng pasyente. Tatlong beses nilang idinikit sa dibdib ni Ellardy ngunit walang nangyayari.

Bakit? Hindi ko pa nasasabi sayo kung gaano ako kaswerteng nakilala kita at kung gaano kita kamahal? Hindi pa tayo nagsisimula pero nawakasan na agad? Ang daya mo naman. Sabi mo hindi mo ako iiwan?

"Miss I'm sorry pero... wala na sya."

Parang natunaw ang tuhod ko kahit na kanina'y kitang-kita ko kung ano ang nangyari?

Humagulgol ako na parang bata. Hanggang sa dumating si Daddy at sya na ang nakipag-usap sa doctor. Hindi na ba talaga ako magiging masaya? Pagkatapos ng lungkot ay lungkot pa din? Hindi ba dapat masaya naman? Diba sabi mo sakin deserve kong sumaya? Gusto kong sumaya...sa piling mo. Ang daya mo Ellardy.

----

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak...hindi ito katulad ng dating pang-iiwang nangyari sakin. Dahil nung si Xymon ay kahit papaano ay nakikita ko pa rin. Ngunit si Ellardy ay tanging lapida na lamang nya ang aking kaharap.

Hindi ko man nasabi sa iyong mahal kita Ellardy pero alam kong naramdaman mong naging masaya ako. Bakit naman kasi iniwan mo ako agad?! Alam mo bang mas masakit itong pang-iiwan mo? Si Xymon nakikita ko pa nung maghiwalay kami...ikaw hindi na Ellardy...hindi ko na yata kaya...

Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa kakaiyak ngunit nagawa ko pa ring makauwi.

Pumasok ako sa kwarto ko at nag-inom. Walang ganito noon dito ngunit ng mawala si Ellardy ay nagtambak ako dito aware naman ang pamilya ko rito. Nagtambak ako ng mga ito para makalimot kahit sandali lang para na rin kasi akong pinapatay sa sobrang sakit. Ilang linggo na rin ng mailibing si Ellardy pero ganito pa din ako. Walang nagbabago at di na yata magbabago.

*Tenenenen* *Tenenenen*

Bes Gem Calling...

"Bes nasaan ka? Gusto mo bang samahan kita?"

"Bes ang sakit...ang sakit-sakit *hik* hindi ko na yata *hik* kay--"

*Toot! Toot! Toot!*

Umakyat ako sa rooftop ng aming bahay hawak ang alak na iniinom.

Hindi ko na kayang magpatuloy sa buhay dahil iniwan ako ng taong bumuo sakin...ulit.

Pumunta ako sa bukana ng rooftop at tumingala sa langit.

"Ellardy! Masaya ka ba dyan?! *hik* ako kasi hindi *hik* miss na kita. Miss na mi-- aaaaaaahhhhhhhh"

*Blaggggggggggg*

Hindi ko maigalaw ang kahit daliri sa akin dala ng pagkalaglag mula sa itaas...nakakapanghina. Ngunit nawala ito ng masilayan ng aking mata si Ellardy sa kanyang puting damit na syang nagpalutang pa ng husto ng kagwapuhan nito...lalo na ng ito'y ngumiti.

Inilahad nya ang kanyang kamay sa akin at nagsalita.

"Nahihirapan kana hindi ba? Sumama ka sa akin. Maganda doon."

Kahit nahihirapan ay inabot ko ang nakalahad nyang kamay ngunit tila sobrang layo nya sa akin. Hindi ko na kayang makakilos pa...pero patuloy pa din sa pag-abot ng mga kamay nya...ngunit hindi ko talaga kaya dahilan para maibagsak ko ang kamay ko.

"E-Ellardy...mahal na mahal kita."

Pumikit ako kasabay ng pagkawala nya.

---

"My queen?... good morning my queen."

"My queen, gising na... umiiyak ka ng tulog?"

"E-Ellardy?"

"Yes my queen? Nanaginip ka ba ng masama?"

Hindi na ako sumagot at niyakap ko nalang sya ng mahigpit...mahigpit na mahigpit.

Dreaming of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon