chapter 5: he hates me?

1.8K 83 12
                                    

Halos mabilaukan nako dahil sa sobrang bilis kong kumain pano ba naman kasi itong si Calvin tinawag pa si Kristian na dun sa table namin kumain. Kung kailan naman nagpalate ako kumain ng lunch, ganun din sya.

Halos wala akong mukhang maipakita sa kanya ng umupo sya sa tabi ni Calvin. Nagpasalamat lang sya pero hindi na sya nagsalita at kumain lang habang kanya kanyang usapan yung mga kasama namin.

Huminto narin ako sa pagkain ng mabilis nahihiya kasi ako sa kanya baka isipin nya na patay gutom ako. Sa dinami rami talaga ng araw bakit kung kailan pa na narinig nya na may gusto ako sakanya dun pa kami pinaglalapit. Dati naman ni sampong lamesa yung pagitan naming dalawa pag naglalunch.

Sobrang kinakabahan talaga ako hindi ko alam kung pano ba ako kikilos sa harap nya. Tapos itong Calvin nato isama mo pa si Pol at Camile palihim nila akong inaasar kay Kristian na lalo pang nagpapakaba sakin. Hindi ko na nga alam yung gagawin ko niloloko pa nila ako.

Halos manginig yung mga kamay ko habang parang dalagang pilipina ako kumain.

"So, kamusta ka naman Kristian?"  Napatigil ako sa pagsubo ko ng marinig ko yung sinabi ni Calvin. Baliw ba sya? Bat nya tinanong yun? Malamang hindi sya okay dahil nalaman nyang may gusto sa kanya yung kapitbahay nya.

Dahan dahan pakong sumilip para makita ko kung ano yung reaction ni Kristian syempre kahit papano curious ako kung anong isasagot nya at lalung lalo na yung expression ng mukha nya.

Normal lang naman yung mukha nya parang walang nangyari.

"Okay lang naman." Sagot nya sabay bumalik na sya sa pagkain nya.

"Eh ikaw Jepoy?"

"Ha!?" Napasigaw ako sa gulat ng bigla akong tanungin ni Calvin, napatingin silang lahat sakin dahil medyo napalakas ata yung sagot ko sakanya.

"O--o---okay lang naman ako. Uhmm.. okay lang." Sabi ko na pinipilit na tunog na parang walang nangyari.

"Hmmmmm..." sabi ni Calvin na parang may gusto syang sabihin.

"Ba-bakit?" Natataranta kong sabi. Pasensya na talagang kinakabahan talaga ako.

"Ahh wala..." sabi niya. Buti naman tumigil na sya malamang may gustong sabihin tong si Calvin eh, kala nya siguro hindi ko mapapansin yun. Tinanong nya si Kristian pagkatapos ako? Hmmp!

Buti nalang masarap tong inumin ko, whooooa! Ngayon nalang ulit ako nakainom ng mountain dew ha.

"Ahhh Jepoy! Jepoy!?" Sabi ni Pol pero hindi ko sya pinapansin ineenjoy ko pa yung mountain dew ko. Pero teka? Wait lang hindi naman ako umorder ng mountain dew ha?

Napatigil ako sa paginom ko ng softdrink ng bigla kong maalala na wala pala akong biniling softdrink. Pag tingin ko sa kanila nagulat ako dahil lahat sila nakatingin sakin at gulat na gulat yung mga mukha nila.

Ngumiti nalang ako at nagsorry.

"Sorry, kala ko sakin. Sorry Jerold palitan ko nalang hehe ayan ha may indirect kiss na tayo." Biro ko pa kay Jerold.

"Ahmmm hindi sakin yan Jepoy."

"Ha? Kanino to? Ikaw lang naman yung katabi ko eh ahhh... sayo bato Calvin?" Nanlaki yung mga mata ko at biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng biglang umiling si Calvin at palihim na itinuro si Kristian.

Halos mahulog ako sa upuan ko ng malaman kong kay Kristian pala yung nainom kong softdrink kung bakit kasi bigla ko nalang ininom yun? Shit sa sobrang kaba ko di ko namalayan bakit ba kasi dito nya nilagay malapit sakin? Shit may sinabi panaman akong indirect kiss. Nakakahiya talaga! Omygad lupa kainin mo na ko. Dahan dahan ulit akong tumingin kay Kristian pero parang wala lang sakanya yung nangyari as always ganyan naman sya wala syang pakilam sa nangyayari sa paligid at sa mundo.

Napahampas nalang ako sa noo ko at nag iisip kung kakausapin ko ba si Kristian o hindi? Pero diba kailangan ko naman magsorry dahil sa ginawa ko? Ininom ko yung softdrink nya, isa pa baka ito na yung pagkakataon ko para magpaliwanag sakanya, sabihin ko nalang kaya sakanya na hindi totoo yung narinig nya? Na nag bibiruan lang kami ni Pol... pero pano?

Sige lalaksan ko nalang yung loob ko, kakausapin ko sya hihingi ako ng tawad. Umubo ako kunwari para kumuha ng tyempo.

"Aahhhhh......."

"Ohmygad! Are you serious!?" Nagulat ako ng marinig ko yun mula sa likod ko, boses ng babae at sa tingin ko kilala ko kung kanino galing yung boses nayun.

"Ang kapal din talaga ng mukha mo no? Umamin ka na nga kay Kristian na gusto mo sya tapos ngayon sinasabayan mo pa syang kumain? Mahiya ka naman Jepoy! At talagang sumasalo kapa sa mga homogeneous section ha!" Malakas na pang iinsulto ni Mary Ann kaya naman nakuha nya lahat ng atensyon sa cafeteria. Lahat sila nakatingin samin at naghihintay ng mangyayari.

"Tumigil ka nga dyan Mary Ann!" Pagtatanggol ni Pol.

"Duh! Nakakahiya yung ginagawa nyo! Ganyan kaba kadesperado?" Sabi pa ni Marry Ann sabay nagtawanan silang dalawa ni Joceleen.

"Tama na yan." Seryosong sabi ni Jerold.

"Ohmygod! Kristian! Sabihin mo nga sa whatever he is na hindi ka pumapatol sa mga katulad nya." Patuloy parin si Marry Ann sa pag iinsulto nya sakin. Malakas lang ang loob nya na kausapin si Kristian dahil galing syang homogeneous section simula first year kaso nalaglag din sya nung third year kami.

nuon palang alam ko na na patay na patay na sya kay Kristian, alam ko naman yun at hindi lang sya maraming mga babae at katulad ko rin ang nagkakagusto kay Kristian pero si Mary Ann sya yung isa sa mga agresibo pag dating kay Kristian kaya wala syang pakilam kahit pa na mapahiya ako sa maraming tao.

Hindi ako makapagsalita bagkus napayuko nalang ako sa sobrang takot at kahihiyan na ginagawa ni Marry Ann.

"Ano ba Kristian! Tell him! Para tumigil na sya sa kalokohan nya!" Sigaw pa nya ulit.

Huminto sa pagkain si Kristian at ngayon ko lang nakita yung expression ng mukha nya na para bang seryosong seryoso na may kasamang galit.

"Hinding hindi ako magkakagusto sa kanya dahil hindi ako pumapatol sa katulad nya. Iniisip ko palang nandidiri nako. Kaya pwede tumigil kana dyan!" Halos gumunaw yung mundo ko ng sabihin yun ni Kristian. Pano nya nasabi yun na parang wala lang?!

Ang sakit! Hindi ako makahinga sa sobrang sakit ang sakit sakit, ang bigat ng puso ko. Lalo nat galing pa mismo yun kay Kristian. Ano bang nagawa kong mali!?

Nagtawanan sila Mary Ann at Joceleen samantalang naghiyawan naman ang ibang estudyante na nakapaligid samin.

"See! Told you!" Sabi pa ni Mary Ann.

Hindi ko na napigilan pa yung nararamdaman ko at parang gripong bukas ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin lang kay Kristian.

Nakatingin lang din sina Calvin at Jerold kay Kristian na para bang gulat na gulat din sa sinabi niya.

"Aaahhh!" Napasigaw ako ng makaramdam ako ng tubig sa balikat ko.

"Oppps! Sorry hindi ko sinasadya. Nagising kanaba?" Sabi ni Mary Ann. Pagkabuhos nya ng inumin nya sa balikat ko.

Dahil dun hindi ko napigilan yung sarili ko at napatayo ako bigla mula sa pagkakaupo ko na agad namang kinagulat nila Pol at Camile.

"Akala mo gwapo ka? Akala mo gustong gusto rin kita?! Kung nandidiri ka sakin mas nandidiri ako sayo! Oo gwapo ka, matalino.....

pero hindi ko alam na ganyan pala yang ugali mo. Hindi ko alam kung bakit nagustuhan pa kita!

Wag kang mag alala simula ngayon kakalimutan ko na tong nararamdaman ko sayo!" Pasigaw kong sabi kay Kristian habang umiiyak ni hindi ko nga alam kung nasabi ko ba ng tuwid yung mga salitang binitawan ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko at dahil narin sa pag iyak ko.

Tumingin lang ako sa kanya na ngayoy tumigil na sa pagkain pero hindi parin sya nakatingin sakin. Tumingin ako kay Mary Ann at agad nyang iniwas yung tingin nya. Tumingin din ako sa paligid namin at lahat ng estudyanteng nandun nakatingin sakin kaya naman bigla nalang akong napatakbo papalabas ng cafeteria namin dahil sa sobrang kahihiyan.

"Naturingan classmate ka pa namin tapos ginaganyan mo si Jepoy!" Narinig ko pang sabi ni Pol at hinabol ako papalabas.

"Sige na! Umalis na kayo! Kala nyo kung sino kayo!" Sigaw pa ni Mary Ann sabay tawa.

My Dear neighbor (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon