Chapter 15: Beach

1.3K 67 3
                                    

Dumating ang biyernes...

sinundo kaming dalawa ni Kristian ng sasakyan ni Jerold since na magkapit-bahay lang kami, kami yung huling pinuntahan, si Jerold yung driver at kasama nya sa harap si Camille, sa likod naman si Pol. nagmadali akong pumasok sa loob ng sasakyan para kami ang tabi ni Pol at si Kristian sa pinaka likod pero nagulat ako ng bigla akong tinulak ni Pol palabas ng sasakyan na nasalo naman kaagad ng katawan ni Kristian.

"ay sorry!" agad kong sabi pag tingin ko si Kristian kaya naman napalayo agad ako.

"bakit kaba nanunulak Pol, uupo nga ako dyan oh, kung ayaw mo akong katabi oh Kristian mauna kana dyan, sa likod nalang ako uupo." sabi ko pero hindi ako tumitingin sa kanya.

"dont get me wrong honey, ilalagay ko dyan yung mga gamit natin kaya walang uupo dyan dun kayo ni Kristian sa likod" paliwanag ni Pol.

"ha!? seryoso kaba!?"

"muka ba akong nagjo-joke Jepoy! shu! go on arte" sabi nya.

"huy ano na! pumasok na kayo para di tayo gabihin sa byahe papuntang beach!" sigaw ni Camille kaya naman napilitan akong umupo sa pinaka likod, ganun din si Kristian magkatabi kami ngayon as in dikit na dikit kasi si Pol nilagay sa gilid namin yung iba nyang gamit na pinaupo nya sa dapat na uupuan ko.

tumingin ako sa bintana habang pinapakinggan yung music background sa sasakyan na tagpuan, bakit pakiramdam ko nagpapakiramdaman kaming dalawa kung sino yung unang kikibo at mag sasalita.

sunod na music ng sasakyan ni Jerold malaya ni ate mo moira, sino ba yung DJ ng sasakyan ? nako malamang si Camille to eh, pinagkaisahan siguro nila akong dalawa ni Pol.

habang nakatingin ako sa bintana ng sasakyan nakita ko na medyo dumilim ang langit at umambon saglit, sabayan pa ng kanta ni ate mo Moira, hindi ko na alam kung anong gagawin ko, ang awkward naming dalawa dito. Lumunok ako ng laway...

"hinintay kita sa Mall... pero hindi ka dumating.." sabi ko sa mahinang boses, hindi sya sumagot pero naramdaman ko na tumingin sya sakin.

"naghintay ako, hinintay kita hanggang magsara na yung mall. bakit? (tumingin ako sa kanya) bakit hindi ka dumating?" sabi ko na naluluha-luha na.

nakatingin lang sya sakin pero bigla nyang iniwas yung tingin nya.

"sorry, may emergency lang... may nangyari lang nung oras nayun." paliwanag nya.

"bakit hindi mo ako sinabihan? Kahit text wala akong natanggap sayo... nagmuka akong tanga kakahintay" sabi ko sabay pahid ng luha sa mga mata ko.

"pasensya kana talaga hindi ko sinasadya." paghingi nya ng despensa at dun narin natapos yung pag-uusap namin.

Pagkarating namin sa beach agad kaming inasikaso ng staff at tinuro agad samin yung mga rooms na pag-sstayan namin, pagkaturo ng room ko agad akong pumasok dun at nilapag yung bag ko sa gilid ng kama humiga ako saglit para magpahinga.

maya-maya biglang may kumatok sa pinto ko na agad ko namang binuksan, si Pol.

"ano, okay kalang ba?" bungad ni Pol, hindi ko sya sinagot at naglakad ako papuntang kama sabay umupo, sumunod din sya at umupo sa tabi ko.

"nakapag-usap naman na kayo ni Kristian diba? anong ginagawa mo dito?"

"ha? napakinggan mo!?"

"hindi ko naman napakinggan lahat at saka nga kaya pinag tabi ko kayong dalawa eh para magkaroon kayo ng chance na makapag-usap. Napansin ko kasi na parang nag iiwassn na kayong dalawa na parang may something sa inyong dalawa."

"salamat ha.." sabi ko.

"ano tara na sa labas, andun na sila."

"kayo nalang muna papahinga muna ako mamayang dilim nako lalabas baka mangitim ako," sabi ko.

My Dear neighbor (BL Romance)Where stories live. Discover now