Chapter 2; Heart of Wattpad

11 1 0
                                    

NAGISING ako sa isang kwarto na puro puti, at orange na design, cool, pero nasaan ako. Unti unti akong bumangon, at isang babae ang nakita ko na nakatayo sa may bintana.

"Gising ka na pala"

Sabi nya ng hindi tumitingin saakin.

"Nasaan po ako, ano pong nangyari? " tanong ko dito, humarap na sya sakin, napakunot ang noo ko ng matandaan ko kung sino ang babaeng kasama ko ngayon, sya yung nakita ko kanina? Kahapon? Hindi ko maalala.

"Wetty, kaylangan ko ang tulong mo" sabi nya ng may kalungkutan sa mga mata nya, napalunok ako ng makita na parang dumilim ang paligid kaya napaayos ako ng upo sa kama.

"A-ano po ba yun, pwede po bang iuwi nyo muna ko, bago ko kayo tulungan? " sabi ko pero hindi nag bago ang timpla ng mata nya, pero lalong dumilim ang paligid, tama lang para makita ko pa sya.

"Wetty, ako si Watts at nasasaktan na
Ako"

"Hindi ko po kayo maintindihan, bakit nyo po ko kilala, hinahanap na po ako ni mama! "

Kahit hindi ko sya kilala ay wala akong nararamdamang takot para sa kanya.

"Nasasaktan na ko"

Ano bang sinasabi nya, binreak ba sya ng boyfriend nya, oh kaya timer pala, ano ba kasi naguguluhan ako.

"Sabihin nyo po, kung gusto nyo ng payo, para makauwi na ko" sabi ko, maayos kong sabi. Para kasing nakakaawa sya.

"Wetty, kaylangan ko ng tulong mo, ako ang puso ng Wattpad, at sobra na ang sakit na nararamdaman ko, sobra sobra na" tumulo na ang luha nya at dumilim pa lalo ang paligid.

Laglag ang panga ko habang nakatingin sa kanya at hindi ininda ang dilim.

Whaaaaaaat....

Joke time ba to, promise bibigyan ko na ng schedule ang pag babasa, basta tama na ang joke time..

"A-ahhh hehe, Ms. Watts, ano po ba talagang problema nyo, saka pabuksan naman ang ilaw dito, di ba kayo nag babayad ng kuryente? "

"Ipangako mo muna na tutulungan mo ako"

Puno ng kalungkutan ang boses nya, parang nabalot din ako ng kalungkutan, parang nalipat saakin ang bigat ng dinadala nya.

Bahala na, para makauwi na ko.

"Sige po, basta kaya ko"

Pag kasabi ko non, biglang lumiwanag ang paligid, wow madaling kausap.
Nakita ko ang babae na nakangiti na na nakatingin saakin.

"Wetty salamat"

"Ano po ba yon? "
Tanong ko saka ko kinapa ang bulsa ko, shiiit wala, tumingin ako sa paligid pero wala.

"Cellphone mo ba? "

"Ah, opo nakita nyo po ba? " tanong ko sakanya.

"Wala ang cellphone mo, naiwan sa mundo nyo"

Laglag ang panga ko habang nakatingin sa kanya. Shit baliw pa ata ang babaeng to, hindi ako ang kaylangan nya, sa mental dapat sya.

"Hindi naman po ko nag bibir-'

"Wetty makinig ka, wala ka sa mundo nyo, nandito ka sa mundo ng mga kwento, nandito ka sa mundo ng kinahuhumalingan mo" paliwanag nya.

Pero wala akong maintindihan, baka bigla syang magalit at mag wala. Shit.

"O-kay-?" Mahinang sabi ko, baka bigla nalang nya kong kagatin, ano ba tong napasok ko, bakit ba ko napunta dito.

"Wetty maniwala ka, nandito ka sa wattpad world! "

Saving The LOVE STORY Where stories live. Discover now