Komunikasyon Sa Akademikong FIlipino

22.6K 119 34
                                    

Hindi po ito orihinal na sa akin, kinopya ko lang ito sa Google para hindi ko na kailangan isulat sa notebook ko.
Ginawa ko ito para nandoon lang siya sa Cellphone ko at para rin ma share ko sa iba.
ENJOY PO!!

FILIPINO B

                      1. "LALIKASAN AT ISTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO"

 Lahat ng wikang ginagamit ng anumang lahi sa daigdig ay binubuo ng mga tunog . Ang mga tunog na ito ay tinatawag na ponema na matatalakay pa ng higit sa mga kasunod na pahina.

                        2. "PONOLOHIYA"

 

Ang ponema ay tumutukoy sa mga makhulugang tunog ng isang wika. Ang makaagham na pag-aaral nito ay tinatawag namang ponolohiya.

 

May dalawmpu't isang (21) ponema ang wikang Filipino, labing-anim (16) ang katinig  at lima (5) naman ang patinig. Ang mga katinig ay ang mga sumusnod: /p,b,m,t,d,n,s,l,r,y,k,g,n,ng,w,/. Ang katinig naman ay ang /i,e,a,o,u,/. 

                         3. "Morpolohiya"

 

Tumotukoy ang morpolohiya sa makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng isang salita o morpema.

  Ang morpema ay maaring isang ponema.Halimbawa nito ay ang /o/ at  /a/ na sa ating wika ay maaring mangahulugan ng kasarian.

       Halimbawa:

                         maestro      vs     maestra

                         abugado     vs     abugada

                         Paulo         vs      Paula

                         tindero       vs      tindera

                         Angelito     vs      Angelita

                     

                         4. "Mga Pagbabagong Morpoponemiko"

 

Ang mga pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa anu mang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Ito ay may ilang uri.

a.) Asimilasyon

Sangkot ng uring ito ang mga pgbabagong nagaganap sa /ng/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.

                       Dalawng uri ng asimilasyon;

                       1. Asimilasyong parsyal

                       2. Asimilasyong ganap

 

Komunikasyon Sa Akademikong FIlipinoWhere stories live. Discover now