KAHULUGAN NG WIKA

111K 132 31
                                    

KAHULUGAN NG WIKA

-kalipunan ng mga salita na ginagamit ng isang lipunan.

1.     KAPANGYARIHAN NG WIKA

a.     ANG  WIKA AY MAAARING MAKAPAGDULOT NG IBANG KAHULUGAN

-anumang pahayag ng isang interlokyutor ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan o interpretasyon sa mga tatanggap ng mensahe nito.

b.  ANG WIKA AY HUMUHUBOG NG SALOOBIN

-sa pamamagitan ng wika,nagagawa ng tao na hayagang alisin ang mga negatibong paniniwala na sa kanyang palagay ay hindi makapagdudulot ng mabuti sa kanyang kapwa.

c.  ANG WIKA AY NAGDUDUDLOT NG POLARISASYON

     -ito ay ang pagtanaw sa mga bagay sa magkasalungat na paraan.Halimbawa nito ay masama at mabuti,mataas at mababa,pangit at maganda at iba pa.

d.  ANG KAPANGYARIHAN NG WIKA YA SIYA RING KAPANGYARIHAN NG KULTURANG NAKAPALOOB DITO

     -kailanman ay hindi maikakaila na kakambal ng wika ang kultura.

2.     GAMPANIN NG WIKA

        a.  IMPORMATIB

        -ang  wika ay impormatib kung nagagawa nitong makapaglahad ng impormasyon tungo sa tagatanggap nito.

    Hal: Si Leo Oracion ang kauna-unahang Pilipinong nakaakyat sa tuktok ng Bundok Everest na pinakamataas sa buong mundo.

       b.        EKSPRESIB

            -nagagawa nitong makapagpahayag ng saloobin o makapagpabago ng emosyon.

          Hal: Napakasaya ko ngayon…

c.      DIREKTIB

-nagiging direktib ang wika kung hayagan o di hayagan nitong napakikilos ang isang tao upang isagawa ang isang bagay.

Hal: Pakipuntahan naman si Mr. Francisco sa kanyang opisina.

d.     PERPORMATIB

-ang perpormatib na gamit ng wika ay higit pa sa pasalitang anyo ng komunikasyon.Ito ay kinapapalooban din ng kilos bilang pansuporta sa isang pahayag.

Hal: Kapag ang isang tao ay nagsabi ng “paalam”,kaakibat nito ang pagkaway ng kanyang kamay sa direksyon ng taong kinakausap.

e.     PERSWEYSIB

-persweysib ang wika kapag nagagawa nitong makahikayat ng tao tungo sa isang paniniwala.

Hal: Ang pahayag ng mga salesperson sa loob ng mall na nanghihikayat na bilhin ang kanilang produkto.

3.     TUNGKULIN NG WIKA

a.INSTRUMENTAL

-nagagawa ng wika na magsilbing instrument sa mga tao upang maisagawa o maisakatuparan ang anumang naisin.

Komunikasyon Sa Akademikong FIlipinoWhere stories live. Discover now