Chapter 19: Move On?

259 3 0
                                    

LEYCIE

Makalipas ang ilang araw

Heto ako. Buhay pa din naman.
Matagal pang mamatay ang malditang katulad ko noh

Well okay na ako

Umiuwas padin ako sa kanila. Naintindihan naman nila ..

Kaya okay na .. pero hindi ko pa sila pinapatawad at baka wala akong balak magpatawad ng isang taong kahit kailan hindi ako pinaniwalaan.

Minsan nga nakakasulubong ko sila. Kinakausap nila ako pero hindi ko nalang pinapansin.

Hinahayaan ko nalang kasi minsan mas lalo nila akong kinukulit. Gusto daw nilang humingi ng tawad , gusto nilang makabati na kami, gusto nilang bumalik na ako , kasi miss na daw nila ako... ganon din naman ako ah

Pero ayoko muna . Masakit pa din yung kalooban ko.

Nalalaman ko din na sinusundan nila ako para alamin kung saan ako nagi-stay pero hindi nila magawa gawa dahil nahuhuli ko sila o minsan ay nililigaw ko ..

Ngayon gusto ko lang naman na mag Move on na sa lahat lahat. Pati nadin sa feelings ko kay viel.

Mamemersonal sana ako kaso wala naman yung tao ..

Ring ring * (phone sound)

Si kuya xavin. Matagal kona ding hindi ginalaw tung phone ko ngayon lang nanaman kaya kahit sino walang nakakatawag. Ngayon lang talaga.

Pero si kuya ? Sasagutin ko ba? May alam na ba siya tungkol sa nangyayari ngayon? Aish! Yaan mo na nga.

"Hello?"

"Leycie! Nasaan ka ba huh? Ano bang balak mo ? Lumayas ka sa bahay ng dahil lang sa away niyo? Maliit lang yun. Ngayon pinalaki muna. Alalang alala sila sa mga nangyayari ngayon. Kung hindi ko lang talaga ito nasabi agad ni graexin hindi ko ito nalaman ..ewan ko lang talaga baka kung ano ng mangyari sayo." Haba ah. Tumawag ba siya para pagalitan ako?

"Hindi mo man lang ako kakamustahin? Kuya okay lang ako. Nakikita naman nila ako araw araw sa school ah. Ano pa ba ang pag care nila sakin eh parang ginusto nga nila na nawala ako. Tsaka kuya wala kang alam sa mga nangyayari. Hindu yun maliit. Malaking away yun. Para ngang feeling ko pinapatay na nila ako. Kuya inapi nila ako. Syempre gumaganti ako. Pero hindi ko naman talaga sinadya na matamaan yung babae nila ng kutsilyo
Kasalanan ko ba at tatanga tanga sila. Bakit kasi hindi nila iniwasan ? Tsk! Tsaka please lang po ? Nag sorry na ako. Sige kuya bye" sabi ko na agad at inend call. Alam ko naman na sermon din ang mapapala ko sa kanya. Wala din naman akong mapapala dyan sa mga sermon niya. Hindi niyab kayang lutasan yung sakit na nararamdaman ko

Tsaka naglakad na ako papuntang classroom ng may mahagilap ako

Sabi ko nga na mag momove on na ako ..

Move on !

Pero bakit ganon. Move on na nga ako kaso bakit parang hindi kasama si viel sa pag momove on ko? Bakit parang natutunaw na ako . Ang sakit .

Si viel. May bagong kalandian nanaman.

Ngayon alam ko na din ang isang dahilan kung bakit ayaw nila akong mahulog kay viel

Dahil babaero siya.

Pero bakit ganon? Gusto ko pa din siya dahil alam kong hindi niya yun gagawin sakin.

Nang madaanan ko sila sa gilid
Sa kakatingin ko sa kanila bigla nalang akong natapilok .. opppss! Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng tulong.

Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad hanggang sa marating ko ang classroom namin.

Sh*t lang . Yung taong kinababaliwan ko may mahal na iba.

Mahal niya ba talaga?

O

pampalipas oras lang niya?

Aish! Okay ! Wag ko nalang babanggitin yung kanina. Kunyare hindi ko nakita.

Pero bakit ganon? Nasasaktan ako.

Ang sakit isipin eh !

Sabi na nga kasing mag momove on ako eh. Pero bakit hindi ko talaga kayang gawin?

Tsk! Nababaliw na talaga ako sa kanya.

'Move on . Madali lang bigkasin pero ang hirap gawin'

Nakakainis na talaga eh..

Next time nalang ako mag move on. Hindi ko pa kaya.

Tsaka parang wala akong plano na gawin yun. Sinubukan ko naman eh. Pero ayaw .

Tsk!

************************************

A/N: Baliw kana talaga sa kanya leycie. Hahaha 😂

Sorry for my low update. Busy lang talaga ako.

Fell Inlove With My Brother's Bestfriend Where stories live. Discover now