Chapter 61: Hidalgo

182 2 0
                                    

LEYCIE

Family Dinner daw mamaya ani ni mom. Papakilala daw niya ako sa Familya Hidalgo.

Nakakakaba nga eh . Paano kung tanggihan nila ako? Ayaw nila na maging hidalgo ako ? Paano yun? Nakakahiya nga din kung ganon. Mapapahiya lang ako sa harap nila.

Pero sana matanggap nila ako kahit na inampon lang ako ni mom .

"Dumalo kayo doon ah. Samahan niyo ako" sabi ko sa dalawa. Eh naglalakad kami ngayon sa gilid ng daan . Ayokong magpasundo sa driver ko . Gusto ko munang ilibang ang sarili ko para hindi ako kabahan sa mangyayari mamaya. Sinamahan ako ng dalawa eh . Ayaw nilang nagiisa akong naglalakad.

"Abah syempre" ani ni jai at ngumiti.

Nakita ko nga pala si kuya xavin kahapon. Nung umalis ako mag isa sa coffee shop. Kasama niya si ate Sanya yung girlfriend niya.

Nakita nga ako ni ate sanya kaso umiwas ako dahil sinabi niya agad kay kuya xavin. Buti nalang at hindi ako naabutan . Ayoko pa namang makita sila.

"New post ni kustine ohh" ani ni xy ng nilalahad ang phone niya para makita namin kung ano yon. Lahat kasi sila unfriend ko na sa fb. Hindi na nakikita yung mga new post.

Tinignan ko yun at binasa . status  niya .

"With Familya Combalicer .  Little Celebration  later" pagbabasa ni xy

Ow? Sabi na nga ba at hindi na ako mahalaga sakanila. Geh . Palakpak tayo.

"Well Family dinner naman tayo" sabi ko

Tinignan ako ni jai "bakit ganon? Ang dali lang nila na kalimutan ka? Pamilya ba ang turi non?" Aniya

"Eh itinakwil na nga ako eh . Ang ganda ganda ko naman para maghabol sa kanila" sabi ko at nag flip hair

Tumawa si xy "yah tama ka. Hindi mo sila  kawalan"

Talagang talaga.

Itakwil man nila ako , pwes may sasagip naman saking mas mabuting pamilya.

"Leycie? Is that you?"

Tinignan ko kung sino yung nagsalita. Oh ohw! Si ate sanya.

"Uhm leycie? Mauna na kami?" Ani ni xy

Huh? Iiwan niyo ako? Tumango lang ako at sila ay umalis na . Ibinaling ko kay ate sanya ang tingin na ngayon ay nakatoon din ang tingin sakin

"Ate? Uhm bakit po?" Tanong ko na may kabado sa boses

"Nalaman ko na lahat ng nangyari. Akalain mo yun? Nakaya mong maging working students ng limang buwan? Nagaalala na kami sayo . May plano kabang bumalik? Leycie. Mali din kasi yung sinabi ni graexin sayo. Hindi ko nga inakala na masasabi niya yun sayo eh. Ang lapit niyo sa isat isa. Para kayong kambal pero bat ganon? Ayokong makialam pero si xavin. Hinahanap ka. Sila tita at tito bumalik din dito para hanapin ka. Gusto nilang magkaayos kayo" aniya

Natatawa ako sa mga pinagsasasabi niya. Nagaalala ? Saan napulot ni ate sanya yang words na yan at idinikit pa sa soon to be atang  pamilya niya . Kung talagang hinahanap nila ako edi sana ngayon nahanap na nila ako.

"Ate ? Wala na po akong plano na bumalik" sabi ko at yumuko

"Huh? Meron ding little celebration para sa mga combalicer . Pupunta ka ba? "

"Po? Hindi po ako invited. Nakakahiya naman po kung mag ge-gate crash ako sakanila. Tsaka po sa pagkakaalam ko matindi na ang galit ng ibang combalicer sakin. Gusto ko man pong pumunta doon , para kunin po sana lahat ng gamit ko"

Fell Inlove With My Brother's Bestfriend Where stories live. Discover now