![]()
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image. (LYANNAH'S POV)
I suddenly stopped from doing my makeup nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at niluwa nito si Nikki.
"Wala na bang itatagal yan?" iritang tanong niya sa akin.
"Actually, meron pa. Gusto mo tagalan ko pa?" pang-aasar ko naman sa kanya.
Tumirik ang mga mata niya dahil sa sinabi ko at umiling.
"Fine. Hihintayin na lang kita sa baba." Saad niya at padabog na sinarado ang pinto.
I shook my head twice bago muling ibinalik ang tingin sa salamin.
"That gay..." sabi ko sa sarili ko.
Habang inaayos ko ang kilay ko ('coz kilay is life), hindi ko napigilan ang sarili ko na alalahanin ang usapan namin kagabi.
[ F L A S H B A C K ]
"Hoy Nikki! Ano yung sinasabi mong willing kang magpalandi sa akin?" curious kong tanong habang finafollow the leader ko siya papunta sa kwarto niya.
Hindi niya ako sinagot. Binuksan niya lang ang kwarto niya kaya dali-dali naman akong sumunod. I comfortably seated sa kanyang kama at nag-cross legs.
"So, ano na bakla?"
Umupo siya sa tabi ko pagkatapos ay nagtanggal siya ng sapatos niya.
Bet na bet niya talagang di ako pansinin no?
"Nico!" sigaw ko sa tenga niya dahilan para magulat siya.
Tumingin siya sa akin nang may nakataas na kilay.
"Problema mo?" irita niyang tanong.
I rolled my eyes bago pinagkrus ang mga braso ko.
"Matapos mong sabihing willing kang magpalandi sa akin, iniignore mo na ako. Panget ba ako? Kapalit-palit ba---"
"Wag mo na ituloy." Simpleng sabi niya bago tinanggal ang isa pa niyang sapatos.
Napabuntong hininga ako at humiga sa kama niya. Akala ko dedeadmahin niya na ako ng tuluyan pero humiga din siya sa tabi ko.
Hindi muna kami nagsalita. Nagpakiramdaman muna kami. Kaso nakakabingi ang katahimikan. Nakakatulig. Kaya nagsalita na ako.
"Nikki..."
"Lyannah..."
At sabay pa talaga kaming nagsalita.
Nagkatinginan kami sa isa't isa at nakita kong bahagya siyang ngumiti. Ngumiti siya! Mygas. Pers taym 'to. Ang genuine ng ngiti niya!

YOU ARE READING
PROJECT 15 #1: MISTAKEN
Humor❝Bida-bida ka kasing bakla ka. Ikaw tuloy nagapang ko.❞ - Lyannah Cruz In which Lyannah mistakenly made love with her ex-boyfriend's boyfriend.