Prolouge

12.8K 158 1
                                    

Inspired by anime

____________________________________

Sa pamumuno ni Haring Edward at Reyna Crizalina sa ¾ na bahagi ng Auxiliary World ay kalat parin ang sigalot mula sa mga masasamang nilalang.

Sa banta ng Darkland Kingdom na gustong mamuno sa Auxiliary World, isang bagong propesiya ang sumibol. Isang makapangyarihang prinsesa ang isisilang at pamumunuan ang buong Auxiliary at sampung (10) kaharian nito.

Lahat ay naayon sa plano hanggang sa isang babaeng nagngangalang Leah ang nanira rito. Isang aliping dalaga ang nakakuha ng atensyon ng Hari na imbis na ilaan sa Reyna. Matapos magawa ng hari ang duty niya na bumuo ng tagapagmana na bubuo sa prophecya ay pinakasalan niya si Leah, na naging ikalawang asawa. Lahat ay nagdiwang at nagkaroon ng pag-asa sa pagsilang ng prinsesang si Ashley, pero may kung anong gumugulo sa isipan ng reyna.

Nang magdalang tao si Leah na nasa ibang Mansion na malayo sa palasyo. Lahat ng mensahe nito patungkol sa hari ay hinarangan niya. Walang nakabatid sa pagdadalang tao ni Leah hanggang isilang na ang sanggol. Dun na nangyari ang isang gabing karumandumal na krimen. Ang pagpatay kay Leah at pagnakaw sa kapangyarihan ng sanggol niya o mas tinatawag na ‘Charm’

Inilipat niya gamit ang ritwal ng ‘Stealing magic’ ang Charm ng anak ni Leah at papunta kay Princess Ashley.

Sinaksak n’ya ang tagiliran ng sanggol gamit ang punyal na yari sa bato. Sabay hiniwa ang palad ng kan’yang anak na si Ashley, upang ipasa ang Charm rito. Sa kabilang sanggol naman na anak ni Leah ay mas binaon n’ya ang punyal sa tagiliran. Halos nawalan ito ng boses kakaiyak.

Hanggang sa mapuno ng dugo ang paligid ng sanggol, na sinahod n’ya lang gamit ang isang napakaganda at poselanang bote. Isang maliwanag na bilog ang lumabas sa katawan ng sanggol o mas kilala sa tawag na Charm Chamber/ang lalagyan ng mahika sa loob ng katawan ng isang nilalang mula sa Auxiliary World. Mas maliwanag ang Charm Chamber ng anak ni Leah kumpara sa iba at katangitangi rin. Dumiretso agad ito sa loob ng bote kasama ng dugo ng bata, at unti-unting nawalan ng boses ang kawawang sanggol.

Ginamitan n’ya naman ‘to ng spell at bago itinapat sa palad ng anak niya.

Napangiti s’ya nang lumipat ang Charm ng sanggol sa anak n’ya. Unti-unti naman nawalan ng pag-iyak ang anak ni Leah at nalagutan nang hininga.

Naiwan ang Mansion na baha sa dugo kahit ang lahat ay walang takas pati rin ang mga sundalong kasama nila, lahat iyon ay pinagpapatay niya.

Pero...

Isang babae ang mabubuhay dahil sa kawalan ng pag-asa ng mga tao at mananatili sa paniniwala na may may kaligtasan pa.

Ano kaya ang magiging silbi n’ya sa mundo na puno nang mahika, at ano kaya ang charm/magic niya kung wala na s’yang kapangyarihan pa?
...

‘Lahat ng kaganapan ay may dahilan, kaya hindi ako susuko! Kahit pa wala akong kwenta sa paningin nila. Papatunayan kong nagkakamali sila!’
~Elaine

Unknown magic Vs. Creation Magi
Destroyer Magic Vs. Demon Magic
BATTLE OF ALL MOST POWERFUL!
Ito ang,
CHARMLAND ACADEMY: THE TRUE POWERFUL PRINCESS

____________________________________________________________________________

Ms. Author

Special Thanks to YourPinkRose for my new Book Cover, Also try to read her story entitled Mystic Academy: Tale of the Pheonix Psychic.

Charmland Academy: The true powerful princess (UNDER EDITTING)Where stories live. Discover now