Chapter 6:Aluxiary World and the Secret City

2.7K 55 0
                                    

"Ito naman ang syudad ng Legendary Healer. Ang Legendary heal, wala kaming pinapanigan at kinagagalitan. Malaya kami at ni isa sa mga tao ay walang nakapunta sa syudad namin dahil sa bantay naming si Bigboy. Halos natatakot sila at kung ang isang walang malinis na puso ang pumasok dito at hindi Princess or Prince o 'di kaya Elemental ay hindi matatagpuan ang syudad na 'to kaya natagurian kaming Legendary," paliwanag pa n'ya.

"Ah. Kaya naman po pala napakahiwaga ng lugar n'yo na 'to" mangha kong sabi.

"Marami pang nakakamanghang lugar dito sa Aluxiary World. Bali may sampung kingdom dito-" Hindi pa sya nakakatapos sumingit na ko

"SAMPU? Ibig sabihin totoo ang Princesses ang Prince? Grabi niloloko na talaga ako ng mundong ito," sungit ko pa

"Hindi kita niloloko, kaya maniwala ka...

May sampung kaharian ang una ay,

Ang Moonterial Kingdom, sila ay ang tinaguriang pinakamalakas na palasyo dahil sa nasa kanila ang creation magic, at syempre sila din ang nangungunang lumaban sa kadiliman.

Pangalawa, ay ang Darkland Kingdom. Hawak nila ang destroyer magic sila ang pinakamortal na kaaway ng mga light kingdom.

Ang pang-ngatlo ay ang Fire Kingdom, na sanasabing traydor mas pinili nilang kumampi sa Darkland.

Pang-apat ang Sky Kingdom, kakampi sila ng kabutihan. Pinakaloyal na kaibigan ng monterial at ang palasyo nila ay nasa taas ng ulap.

Pang-lima ang Blue-Spring Kingdom, ang mga ito ay mermaid nasa ilalim ng dagat ng mapaya ang mga ito at malayo sa panganib at may kalayaan na magbalat akoy tao. Noon hindi sila sumasali sa digmaan pero nang pinatay ang mahal nilang princesa. Bali ang nakakabatang kapatid ng Reyna ng Moonterial ay nagsimula na silang magdeclara ng digmaan.

Pang-anim , ang Lightning Kingdom, o mas kilalang thunder palace.

Ang pang-pito ay ang Landly Kingdom, ang soil magic.

Ang pan-walo ay ang Nixon kingdom, the werewolf palace.

Ang pang-siyam ang Sparkles Kingdom, the fairies land.

Ang pang-sampu , ang wizard kingdom, all of the wizard have a magic wand and have to cast magic using the power of nature.

*fast forward*

Sinabi na ni Pinunong Changbaek, ang lahat ng tungkol sa Aluxiary World. Kasalukuyan akong naka tambay sa ilalim ng puno at nakasuot na rin ako ng katulad ng damit nila. Grabe ang bigat! Huminga ako ng maluwang at bigla kong naalala ang tungkol sa Earth. Matagal na kaming nag-aaral ng kalawakan, ang naniniwalang may iba pang mundo at 'di ako na lahat pala ito ay totoo.

Sana ituring nila ako dito na katulad nila, at hindi katulad ng isang halimaw... Siguro hindi naman nila sa'kin gagawin 'yon e, 'yung halimaw nga kanina ay tinanggap ng mga tao dito ng buong puso. Sana ito talaga ang mundo ko.

Pero Teka? Kung taga-dito ako, Bakit ako napunta sa Earth? Anong nangyari sa'kin o sa pamilya ko? 'Yung ate kasi sa panaginip ko na nakaputi ay ayaw pang sabihin!

Maya-maya biglang may nagsalita mula sa likod ko.

"Hi," bati pa ni 'to kaya agad ko siyang nilingon.

"Hello po," bati ko pabalik sa kan'ya at sabay ngiti. Agad n'ya naman akong nginitian din.

"Pwede po ba makiupo?" Tanong n'ya na sinangayunan ko naman. Sino ba naman ako diba, tsaka dayo lang ako dito.

"Ate, gaano ka na po katagal dito?" tanong ko agad.

"Simula pa bata. Ako nga pala si Rhean Collin Grant, anak ng Pinuno dito, ikaw? Anong pangalan mo? " sagot niya at nagtanong pabalik.

"Ako nga pala si Elaine Rae Madrigal, syempre dayo," aniko at natawa s'ya.

"Alam mo ba sa lahat ng pumapasok dito, ay ikaw palang ang bukod tanging hindi naligaw," ani niya na kinagulat ko.

"Tanging mga Princesses, Princes and Elemental lang nakakapasok dito nang mabilis," singit pa n'ya. OMG namamangha talaga ako. Isa lang akong normal na tao pero nakapasok dito? Achievements 'yun.

"Oo nga pala, gusto mo malaman kung paano kami nanggagamot dito?"

Walang pasabi niyang hiniwa ang braso ko. "Aray! ang sakit. Hala paano na 'to nagdudugo. Ang sakit."

Natawa naman siya ng bahagya."Wala 'yan , malayo yan sa bituka at para sa mga tao dito sa mundong ay isa lang 'yang galos" sabi pa n'ya. E, pa'no magiging galos 'to? E, sugat 'to! Sugat!
Tinapat n'ya ang kanyang kamay sa may sugat pero hindi na kadikit, at maya-maya gumaling na!

"Ano 'to, magic ba 'yun? Teka paano mo ginawa iyun?" tanong ko sa kan'ya.

"Hahaha, totoong magic iyon. Ang tawag sa'min, Healer at balang araw magiging Healer karin kasi nakapasok ka dito. Sa labas ng syudad na 'to ay may napakaraming magic pa bukod sa Healer," paliwanag n'ya at halos kumikinang ang mata n'ya na parang gusto n'ya lumabas ng syudad, pero wala na syang sinabi sa'kin hindi ko na rin sya tinanong.

Elaine:

Elaine:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Charmland Academy: The true powerful princess (UNDER EDITTING)Where stories live. Discover now