Chapter 2

15.1K 304 7
                                    


Enjoy reading!

Zaphire's PoV,

KINABUKASAN ay maaga akong gumising dahil maaga ang flight ko pabalik ng Pilipinas. Naka handa na ang mga gamit ko sa isang maleta. Isang buwan lang naman ako roon. Kailangan ko lang tulungan si mommy sa kompanya dahil hindi pa pwedeng magtrabaho si daddy.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto, dala-dala ang isang maleta na mga gamit ko. At sakto naman na may nag busina sa labas. Siguro si Nathan na iyon. Ihahatid daw niya ako sa airport. Kaya dali-dali akong lumabas ng bahay at nakita ko siya na bumaba ng sasakyan niya at kinuha ang maleta ko at nilagay sa compartment. At sumakay na kami sa kotse niya. At habang nagba-byahe ay nag-uusap kami.

"Ilang araw ka doon?" Tanong niya.

"Isang buwan." Sagot ko. Napatingin naman siya sa 'kin na para bang gulat na gulat.

"Bakit ang tagal?" Tanong niya.

"Kailangan e. Hindi pa pwedeng magtrabaho si daddy kaya kailangan kong tulungan muna si mommy sa kompanya." Sagot ko.

Napabuntong hininga na lang siya. Nakakahiya nga. Kasi ang busy niya ring tao. Tapos ipagkakatiwala ko pa ang Restaurant ko sa kanya. Baka hindi niya kaya.

"Sabihin mo lang kung hindi mo na kayang asikasuhin ang Restuarant ko. Pwede ko namang tawagan si Crystal para bumalik na dito sa Italy." Sabi ko.

"No, no. It's ok. Kaya ko, okay? Mamimiss lang kasi kita," sabi niya. Napairap na lang ako.

"Tama na nga 'yan. Kulang pa ang tulog ko. Kaya matutulog muna ako. Gisingin mo na lang ako kapag nasa airport na tayo." Sabi ko at ipinikit na ang aking mga mata.
———

PAGBABA ko pa lang ng eroplano ay ramdam ko na ang hangin ng Pilipinas. Finally! I'm back after five years. Pagkatapos kong makuha ang luggage ko ay agad na akong naglakad.

May susundo ba sa 'kin? Mukhang wala naman. Siguro magta-taxi na lang ako papunta sa bahay. Agad akong pumara ng taxi at sumakay. At habang nagba-byahe ako ay tumitingin ako sa labas. Wala pa ring pinagbago. Sobrang namiss ko ang Pilipinas. Akala ko matatagalan pa ako bago maka-uwi.

Pagkatapos ng ilang oras na byahe ay nakarating na ako sa bahay namin. Ganoon pa rin ang kulay. Wala pa ring pinagbago. Agad na akong bumaba ng taxi at nagbayad na.

Dala-dala ko ang maleta ko nang pumasok ako sa gate. Sinalubong ako ng isa sa mga kasambahay namin.

"Magandang tanghali po, ma'am Zaphire. Welcome back po." Bati sa 'kin ni Nanay Cellia.

"Magandang tanghali din po, nanay Cellia. Salamat." Sagot ko.

Kinuha niya ang dala kong maleta at naglakad na papasok ng bahay kaya sumunod na lang ako. Agad akong pumunta sa kwarto ko para magpahinga muna. Wala rito si mommy dahil siya ang nagbabantay kay daddy sa hospital. Agad akong humiga sa malambot kong kama at ipinikit ang aking mga mata. At dahil sa antok ay nakatulog agad ako.

NAGISING ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Tiningnan ko kung sino iyon. Si Dianne. Agad kong sinagot.

"Hello." Sagot ko.

"Hello, Zap! Hindi mo man lang sinabi na nandito ka na pala sa Pilpinas." Nagtatampong sabi niya. Sino naman kaya ang nagsabi sa kanya.

"Sino nagsabi sa 'yo?" Tanong ko.

"Sino pa? E 'di si Crystal." Sagot niya.

The Billionaire's Daughter [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now