Chapter 9

12.8K 258 12
                                    


Enjoy reading!

Zaphire's PoV,

NAKA-KUYOM ang mga kamay ko habang naglalakad sa hospital ni Denzel. Ang walang hiya na 'yon. Siya pala ang may pakana ng lahat. Siya pala ang dahilan kung bakit nalulugi ang Pharmaceutical ko. Siya ang may pakana kung bakit umatras lahat ng costumers ko.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Ang ibang nurse na nadaraanan ko ay nakatingin sa akin. Pero hindi ko sila pinansin patuloy lang ako sa paglalakad na para bang walang tao sa paligid ko.

Nang nasa harap na ako ng office ni Denzel ay hindi na ako kumatok. Nang pumasok ako ay napatayo siya. Halatang nagulat siya sa pagpasok ko. Agad akong lumapit sa kanya at sinampal. Galit na galit ako sa kanya. Paano niya nagawa sa akin lahat 'yon? Biglang umigting ang panga niya matapos ko siyang sampalin. Aaminin ko malakas ang pagsampal ko sa kanya.

"Ang lakas mo pa lang manampal, baby." Seryoso niyang sabi. At ang hindi ko inaasahan ay humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita. Bigla akong natakot sa seryoso niyang mukha.

"Sa buong buhay ko ngayon lang ako nasampal ng babae," sabi niya at humakbang ulit palapit sa akin kaya napaatras ulit ako.

Pero ayaw kong magpatalo sa kanya. Hindi dapat ako matakot sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Bakit mo nagawa sa akin lahat 'yon? Bakit? Dahil gusto mong gumanti sa ginawa ko sa 'yo dati? 'Yon ba 'yon?" Galit kong tanong sa kanya. Seryoso lang ang mukha niya. Nakatitig lang siya sa akin.

"Sinabi ko naman sa 'yo, Zaphire na ibenta mo na ang Pharamaceutical niyo. Dahil gagawin ko lahat makuha ko lang ang gusto ko." Sabi niya na kinainis ko pa lalo.

"Ilang ulit ko ba sasabihin sa 'yo na hindi ko bine-benta 'yon." Inis kong sagot.

"Tingnan natin. Mapipilitan ka ring ibenta 'yon. Believe me, hindi lang 'yan ang makukuha ko." Sabi niya na may nakakalokong ngiti.

Bakit nagtagpo ulit ang landas namin ng lalaking ito? Sana wala akong problema ngayon. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa harapan niya. Agad kong pinunasan iyon. Ayaw kong ipakita sa kanya na mahina ako.

Narinig ko na napabuntong hininga siya. "Ok, fine. Let's have a deal,"

"Bibilhin ko ang Phamaceutical niyo pero ikaw pa rin ang magma-manage para hindi mahalata ng daddy mo na binenta mo ang Pharma," bakit ba gustong-gusto niyang bilhin ang Pharma?

"Deal?" Tanong niya at inilahad ang kamay. May point din naman ang sinabi niya.

Alam ko hindi ko na maibabangon ang Pharma. At si Denzel na lang ang ang pag-asa para maibangon iyon. At kapag tuluyang malugi ang Pharma ay siguradong magagalit si Daddy sa 'kin. Tutal hindi niya naman malalaman na ibebenta ko ang Pharma.

Bumuntong hininga muna ako. "Deal." Sagot ko at tinanggap ang pakikipag kamay niya.

Napangiti siya sa naging desisyon ko. Ngiti na para bang nanalo. Matagal pa bago niya binitawan ang kamay ko.

Sabay kaming napatingin sa pinto nang may kumatok doon. Pumasok ang isang babae na halatang pang model ang katawan. Matangkad ito, maputi at makinis ang balat. Halatang mayaman. Pero napangiwi ako nang makita ko ang suot niya. Kinulang sa tela. Napayuko ako nang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Hello, honey! I missed you so much." Malanding sabi niya at kumapit sa braso ni Denzel na parang linta.

"Sorry Irene---"

"Ericka! Ano ka ba honey nakalimutan mo na kaagad ang pangalan ko," nagtatampong sabi ni Ericka raw.

"Yes, Ericka. Sorry, may date kami ng girlfriend ko. Right, baby?" Napatingin ako kay Denzel nang magsalita siya.

The Billionaire's Daughter [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now