Chapter 18 - Little Things That Matter

3.3K 114 0
                                    

"Girls! Intrams naaaaaa!!!" matinis na sigaw ni Flare pagdating na pagdating niya pa lang sa tinatambayan namin dito sa students' park. As usual pinagtinginan na naman siya ng mga estudyante. I even caught a glimpse of some college girls laughing inwardly. Hay. Ibang klase talaga 'tong si Saavedra.

"Baliw! Bukas pa ang Intrams diba? Magtigil ka nga!" segunda naman ni Meg pagkatapos ay agad-agad na niyang hinila paupo si Flare. It's our usual afternoon. Katatapos lang ng mga klase namin at nagpunta muna kami dito para tumambay saglit. Buti nga at wala pa sina Thea at Tanya kundi mabwi-bwisit  na naman sila sa kaingayan ng isang 'to.

Ilang araw na ang nakakalipas simula nung isinama ako ni Eros papunta sa kanila at nung na-meet ko yung dalawa niyang kapatid. Ilang araw na pero hanggang ngayon medyo naguguluhan pa rin ako sa sinabi at inasal nung ate niyang si Hera. Tapos nang tanungin ko naman si Meg...sabi niya 'wag ko na lang daw pansinin. Mukhang ayaw niyang pag-usapan pero kahit papaano bothered pa rin naman ako.

May...kinalaman ba ako sa kanila?

"Eh ba't ba? Excited na ako eh! Nagpalista na kaya ako kay Mendoza!" energetic pa ring sagot ni Flare na ang tinutukoy ang sports club president ng SHS.  Nawala tuloy ang iniisip ko dahil sa lakas ng boses niya. Nga pala. Magkaklase na kaming dalawa since Junior HS at since then ay player na siya pag ganitong Intramurals. It's the last week of August at bukas na nga ang Intramurals ng Erindale for both SHS at College. Kaso hindi pa lumalabas yung results ng midterms namin. Kainis nga eh. Mas nakaka-pressure kaya.

Ibinaba ko ang hawak kong cellphone at liningon siya. "Badminton?" I asked. Ngiting-ngiti naman siya.

"Ano pa! Nga pala! May nabalitaan ako ah!" biglang sabi niya at hinila pa ako. "Wendssss!"

"O ano?"

"Kase nga! Takte! May nabalitaan talaga 'ko!" sabi niya ulit kaya napailing na lang ako. Ulit-ulit?

"Ano nga kase yon?" tanong ko ulit. Kung makatingin naman kase siya sa akin parang ang laki ng kinalaman sa akin nung ibabalita niya. May matching pagtaas-taas pa ng kilay sa akin.

"Yung destiny mo! Kasali daw pala sa volleyball?" sabi ni Flare na agad na ikina-kunot ng noo ko. Destiny? Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sarili nang si Travis ang unang pumasok sa isip ko.

Psh. Magtigil ka nga Wendy.

"Destiny? By that you mean...." parehas kaming napalingon kay Meg nang magsalita siya. Tapos bigla-bigla siyang lumingon sa akin na para bang may naalala. "Hala oo nga pala!"

"Ha? Bakit?" napasagot din tuloy ako. Bigla-bigla ba naman kase niyang niyugyog ang balikat ko. Yung totoo?

"Kasali nga pala si Kuya Eros sa volleyball! Nakalimutan kong sabihin sayo" sagot naman ni Meg. Napataas tuloy ako ng kilay.

"So?"

"Anong 'so' ka diyan?! Dapat alam mo yung mga ganyang bagay! Diba nga gagawan mo siya ng article!" dagdag pa ni Flare. Napalabi na lang ako. Psh. Oo nga pala. So ano yun? Kailangan marami akong alam sa kanya? Pang biography ang peg?

"Oo nga! And speaking of, samahan mo kami ni Kuya ngayon sa mall!" biglang sabi ni Meg sabay hila sa akin patayo. Hala! Teka...ano daw?

"Oy Flare una na kami ah! Pasabi sa dalawa!" Meg shouted habang si Flare naman ay kumaway-kaway pa sa amin. Wait nga! Ba't nila ako biglang isasama?!

"Ayun naman! Wohooo! Punta ka na dun sa destiny mo Wends! Bwahahahah!!!" pahabol pang sigaw ni Saavedra bago tumakbo paalis. Muntik ko
na tuloy maibato sa kanya yung hawak kong filecase.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Where stories live. Discover now