More than a month later...
Habang nakatingin ako sa itsura naming limang WeGirls, pati na rin sa mga itsura ng lahat ng senior high school graduates ngayong araw...hindi ko maiwasang mapaluha.
Finally...after two years of battling with stress, enduring sleepless nights, and studying a lot of difficult subjects... natapos na rin namin sa wakas ang senior high school. Though alam ko na mas magiging challenging at mas mahirap pa ang next phase ng aming buhay...alam ko rin naman na basta't hindi kami susuko at patuloy kaming magta-tyaga at mananampalataya sa Diyos...makakaya namin.
Yung iba sa amin magpapatuloy ng college kabilang na ako, yung iba naman magtatrabaho na o kaya ay magnenegosyo. Pero sa ngayon...habang nandito kami sa loob ng Multi Purpose Hall ng Erindale University kung saan ginaganap ang aming graduation...habang nakikita ko ang bawat isa sa amin na nakasuot ng maroon na toga...hindi ko maiwasang hindi maging proud. Eto na o. Papalapit na kami nang papalapit sa pag-abot ng mga pangarap namin.
"Wends! Huhu!" naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Megan. Hindi kami magkatabi kanina dahil sa alphabetical arrangement pero nakipagpalit siya ng pwesto at tumabi sa akin ngayon. Kasalukuyan nang nasa stage si Flare at kinukuha ang kanyang diploma. HUMSS strand na kase ngayon. Tapos na kaming ABM at GAS kanina. Nakakapit sa braso ko si Meg habang parehas kaming nakatingin sa stage.
"Syet. Naiiyak ako" I heard Meg mumbled. Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang pagpupunas niya ng panyo sa mata.
"Pigilan mo, uy. Kakalat yang make up mo" biro ko pa kahit maging ako ay naiiyak rin. Nakaka-proud rin kase na kaming limang magkakaibigan ay puro honor students. Kahit hindi ko talaga ineexpect na aabot pa ang average ko...still, I'm very much thankful.
"Eh kase naman eh! Graduate na tayo ng high school. College na. Magkakahiwa-hiwalay na tayo" Meg added. Natigilan ako saglit.
Yun rin ang mahirap tanggapin pag ganitong graduation. Mare-realized mo na lang na may mga pagbabago na. May aalis...may lilipat na ng school...mababawasan na yung mga bonding moments. Si Thea kase sa UP Diliman na papasok ng college. Si Tanya naman sa Ateneo gustong papasukin ng mga magulang niya. Mukhang kaming tatlo lang nina Meg at Flare ang matitira sa Erindale.
I heaved a sigh and smiled. "It can't be helped. Minsan kailangan rin talagang umalis ng isang tao para sa ikabubuti niya. Kung gusto nila na dun mag-aral...hindi natin sila pwedeng pigilan. It's their choice and also for their future. It doesn't mean naman na magkakahiwa-hiwalay tayo ay hindi na tayo magka-kaibigan, diba?"
I suddenly thought of something. Hindi ko tuloy siya maiwasang maisip. Kamusta na kaya sila ng pinsan ko? Ano nang lagay ni Catherine? Babalik pa ba siya dito? Babalikan niya kaya ako?
Two weeks ago...umalis siya ng bansa para pumuntang States. Hindi ko alam kung paano niya inaayos ang schedule niya pero basta ayun. Nalaman ko na lang na lumipad na siya papuntang ibang bansa.
That night...noong Valentine's Day, ipinagtapat niya sa akin na kinausap siya ni Tita about kay Catherine. May...may leukemia raw ang pinsan ko kaya siya nandun sa States at nagpapagamot. Iyon daw pala ang dahilan nito kung bakit ito umalis nang walang paalam at iniwan si Eros.
Tita wanted Eros to come and see Catherine. Request daw kase ni Cath na makita si Eros bago siya magpa-chemotherapy. That's why... Tita went back to the Philippines to find him and to persuade him to see his ex.
Hindi ko alam kung paano ba tinanggap ni Eros ang balitang yon. Umalis si Catherine nang basta-basta at walang paalam kaya nasaktan siya at nagalit. Pero nung nalaman na niya ang dahilan...hindi ko alam kung ano nang naramdaman niya. Kaya siguro ganon. Kaya siguro sinabi niyang naguguluhan siya.
BINABASA MO ANG
That Guy Named Eros (COMPLETED)
Teen FictionBeing left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. She's trying to forget and move forward but her ex being her...