18

1.3K 43 2
                                    

Missed
_______

Nasa labas ako ngayon, at hinihintay si Irene, hawak hawak ang bulaklak na binili ko para sakanya. Babalik sya ngayon, galing Busan, nagschooltrip sila eh. 

"Bear!" Rinig kong sabi, kaya napatalikod ako at nakita ko ang happiness ko.

"Bunny!" Sigla kong tawag sa kanya. Namiss ko sya, nag school trip kasi sya at di kami nagkita for a week.

I opened my arms to let her hug me, but nabigla ako ng tumalon sya para yakapin ako. Buti nasambot ko sya, at nakakapit sya sa leeg ko and her legs wrapping on my waist. Gosh, I missed her.

"Bear! Namiss kita huhu." Sabi nya at hinigpit ang kanyang pagkahug.

"I missed you too, musta ang school trip? Na enjoy mo ba?" Sabi ko at tinulungan sya bumaba.

"Okay naman, but I missed seeing your face." Sabi nya at ngumiti ng matamis.

Hay, matutunaw ako sa ngiti nya eh.

"Oo nga pala, flowers for you." Sabi ko habang inabit ang bouquet, at inamoy naman nya.

"Bango naman. Kilig ako." Sabi nya at napa lip bite. Pakshet naman Irene, lalo na akong nafafall sayo eh.

"Tara na? Mukha kang pagod. Tulog ka sa bahay, whatya think?" Sabi ko at kinuha yung malaking maleta nya. Tinignan ko sya at ang sama ng tingin nya sakin.

"Oyoy, anong iniisip mo? Kung iniisp mong ikakama kita, hindi yun!! Concern ako sa eyebags mo oh, papanget ka nyan." Sabi ko at kinuha na ang kamay nya.

"Gaga, oo na, tsaka anong papanget? Hindi ako napanget kahit may eyebags!" Sabi nya naman.

"Oo na oo na, tara na, hm?" Sabi ko at hinila na sya papuntang kotse.

________

Admirer ° SeulreneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora